“MAKIKIPAGBALIKAN ka ba ulit sa kaniya?” tanong ni Candy sa kaniya. Umupo ito sa tabi niya. Alam niya na kaya na naman sila bumalik sa bansa ay dahil dito. Napa buntong hininga na lan siya. Wala naman na siyang dapat pang itago sa kapatid niya kaya tumango siya. “Iyon ang utos ni Kyle sa akin.” Sandali itong natahimik bago muling nagsalita. “Alam kong kasalanan ko ang lahat. Kung hindi dahil sa akin, hindi ka magdedesisyon ng ganun noong araw na iyon.” napa buntong hininga ito. “E di sana, masaya ka na ngayon kasama siya kung hindi mo ginawa yun.” dagdag pa nito. Nilingon niya ito. Puno ng lungkot ang mga mata nito at halata rin na nakokonsensya ito. Hinawakan niya ang kamay nito at marahang pinisil. “Ano ka ba Candy… huwag mo ngang sabihin yan okay? Hindi mo kasalanan ang lahat at isa pa, ako ang may kasalanan dahil ako ang pumili ng desisyong iyon okay? Hindi ikaw kaya huwag na huwag mong sisihin ang sarili mo.” marahan niyang piniga ang kamay nito.Napayuko ito. “Hindi ko mapigi
더 보기