"What!"Sabay-sabay nilang hiyaw. Lalong natawa si Elara sa naging reaksyon nila."Hindi ko lang alam kung sino sa inyo ang nasa malapit sa may malaking bato kanina," panimula nito, hindi mapigilan ang sariling tumawa. "Narinig ko kasi na may nanghihingi ng beer kanina, after this night daw magiging official na kami ni Marco.""Oh, walang duda. Si Anaya 'yon, Marco," sumbong ni Troy.Binatukan naman siya ni Anaya. "Tanga! Ang sabi ko, dapat siguraduhin ni Marco na may beer ako. Isa ka pa, ikaw ang nagsabi-sabi na hindi matatapos ang gabi na ito na hindi magiging official si Elara at Marco.""Nako, ayan na naman kayo. Kapwa kayo naglalaglagan eh pareho naman kayong nagkasala," sabat ni Jake na umiling-iling pa."Tumahimik ka! Isa ka pa," singhal ni Anaya.Nagtawanan ang mga pinsan nila, si Elara at Andrea, dahil sa naging asal ng tatlo. Sila ring tatlo ang naglaglagan.Nang matapos na sila sa pagkain, sakto namang nakarating na rin sila sa resort. Mukhang hindi lang si Elara ang sinurp
Last Updated : 2025-05-04 Read more