Narating na nila Marco kasama ang mga pinsan nito sa pantalan, naroon na rin si Andrea naghihintay sa kanila na nakasuot ng dress na backless at may malaking sobrero pang suot. Kaagad na rin silang sumakay sa bangka papuntang Guimaras. Habang nasa bangka sila, dumadampi sa kanilang mga mukha ang hangin na para bang wini-welcome sila. Amoy na amoy ang maalat na hangin na nagmumula sa dagat. "Nakakakilig naman kayo," biro ni Andrea habang nakatingin kina Marco at Elara na magkahawak-kamay. "Para akong extra sa pelikula n’yo.""You can be the leading lady, Andrea. We will find your leading man," sabat naman ni Marco sabay kindat. "I nominate myself!" singit ni Nathan, isa sa mga pinsan ni Marco. "Single naman ako. I'm also ready to mingle." “Yuck! No thanks,” sagot ni Andrea na kunwaring nandidiri, pero halatang may kilig sa boses niya."Grabe ka naman sa pinsan namin, Andrea," natatawang sabi ni Jake, isa pa sa mga pinsan ni Marco. "Pero sabagay, chick-boy 'yang si Nathan."Ibinato
Last Updated : 2025-04-18 Read more