Ilang araw ang lumipas. Maulan noong araw ng libing ni Ethan. Tila pati ang langit ay nakikidalamhati. Lahat ng tao sa paligid ay tahimik, tanging paghikbi ng mga naiwan at pagpatak ng ulan ang maririnig.Dumagsa ang mga kaibigan at kamag-anak, ngunit si Elara ang pinakanakapukaw ng pansin, suot ang itim na bestida, nakatayo sa tabi ng puting kabaong ni Ethan, tangan pa rin ang sulat sa isang kamay, habang pinagmamasdan ang batang ngayo’y nasa loob na ng kahon.“Salamat sa lahat, Ethan,” mahina niyang sambit habang inilalapag ang isang laruan na paborito ng bata sa ibabaw ng kabaong. “Hindi kita ituturing na kahihiyan. Ikaw ang isa sa mga pinakamagagandang biyayang dumaan sa buhay ko.”Pagkatapos ng misa, lumapit si Marco at tahimik na inalalayan si Elara patungo sa sasakyan. Hawak niya ang payong para sa dalawa, ngunit tila hindi napapansin ni Elara ang ulan. Wala siyang ibang iniisip kundi ang mga huling alaala ni Ethan, ang bawat ngiti, bawat yakap, at ang huling sulat.Pagdating s
Last Updated : 2025-05-15 Read more