Nanlaki ang mga mata ni Elara nang marinig ang sinabi ni JP.Napalunok ito at hindi kaagad nakabawi sa gulat dahil hindi inaasahan ang balitang isinaad sa kaniya. Alam ni Elara na tumutulong si Marco sa resort dahil minsang siya rin ang nakaayos sa naging problema nito noon ngunit sa ngayong nananahimik na siya, saka naman ito muling nagparamdam sa kaniya. "A...ano? Bakit? Paano?" "Pasensya kana, ate, kasi kahapon pumunta siya rito para magtanong kung nasaan ka nalaman kasi namin na parati din pala talaga siyang nagbabakasakali na makita ka niya ulit dito," kwento ng bakla mula sa kabilang linya. "Sinabi rin ni Nanay Esther sa kaniya ang pinapasabi mo saka hindi sinasadyang naisiwalatko kay Kuya Marco ang problema ng resort natin. Pasensya na ulit, ate." Hindi nakasagot kaagad si Elara. Parang nawala ang lahat ng dugo sa kaniyang katawan dahil sa panlalamig nang malaman ang ginawa ng taong higit na kaniyang kinakamuhian. "Heloo, ate, nandyan ka paba?" tanong nito mula sa kabilang l
Last Updated : 2025-11-08 Read more