Sa bawat gabing magkasama sila ni Elara sa kama, mas lalo lamang nadaragdagan ang bigat sa dibdib ni Marco. Parang bawat haplos ng asawa niya sa braso niya ay paalala na baka may kasalanan siyang hindi kayang itago habambuhay. Ngunit sa parehong oras, iyon ding mga yakap at halik ni Elara ang nagbibigay sa kanya ng tibay para manatili sa piling nito.Kinabukasan, habang nag-aalmusal sila sa terrace ng kanilang bahay, niluluto ni Marco ang paboritong sinangag ni Elara, may itlog at tuyo. Tahimik siyang kumikilos, pero kita sa mata niya ang lalim ng iniisip.“Ang sarap nito, love,” wika ni Elara, nakangiti habang kumakain. “Namiss ko ‘to.”Napatingin si Marco sa kanya, bahagyang ngumiti. “Mas masarap ka kapag kumakain ka ng marami,” pabirong sabi niya, sabay punas sa gilid ng labi nito gamit ang hinlalaki.Napatawa si Elara. “Anong cheesy non?”“Hindi ‘yon cheesy. Totoo lang,” sagot ni Marco, sabay abot ng kamay nito sa ilalim ng mesa.Sa sandaling iyon, parang bumalik ang init ng pagma
Last Updated : 2025-05-21 Read more