Hindi na umimik si Dr. Kang tuloy-tuloy lang siya sa pag check ng vital signs ni Liam. Matapos noon ay nagsagawa rin ng ilang test. At nang matapos ang lahat ay bumalik siya sa silid nito, kung saan nadatnan niya itong abala sa pag-che-check ng cell phone nito. “Dr. Kang,” bati ni Liam sa doktor nang makapasok ito. “Alam mo ba kung nasaan ang mag-asawang Ashton?” Tumikhim si Dr. Kang at itinaas ang chart na hawak. “Lumabas na ang lahat ng resulta ng mga test mo. So far, maganda naman ang resulta ng lahat. Wala ring infection, kaya maaari ka nang madischarge ngayong araw, Mr. Reed. Ipa-pa-process ko lang ang mga papeles mo para makaalis ka na agad. Anyway, may mga damit na nakahanda r’yan. Nasa maliit na cabinet. P'wede mong suotin ang alinman sa mga iyan,” aniya. “Dr. Kang, nasaan ang mag—” “Dok!” Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang nurse na may dala-dalang maliit na basket. “Sassy, tatanggalan mo na ba ng swero si Mr. Reed?” bungad ni Liam sa nurse na kakapasok lang. “
Last Updated : 2025-05-31 Read more