Tahimik ang paligid, tila huminto ang lahat. Sa bawat hakbang ni Lia, marahang dumadaloy ang kaniyang belo at mahaba niyang train. Naramdaman niyang bahagyang lumamig ang palad niya, pero hindi dahil sa kaba, kung hindi dahil sa bigat ng kaniyang emosyon. Sa harap niya, nandoon si Leon, nakatingin lang sa kaniya, tahimik pero puno ng damdamin.Pawang nag-uusap ang mga mata nina Lia at Leon. Walang salitang binibitawan, pero malinaw ang sinasabi: “Narito ako. Nariyan ka at sa wakas, tayo na. Tayo na hanggang ang ating mga buhok ay maging kulay abo at puti.”Ang bawat hakbang ni Lia ay tila paglalakad niya palayo sa nakaraan – sa sakit, sa pagkakanulo, sa mga gabing nag-iisa siyang umiiyak. At sa bawat hakbang niya papalapit kay Leon, mas lalong lumilinaw ang kinabukasang matagal na niyang pinapangarap.Sa gilid, bahagyang napaluha si Leona habang hawak ang maliit na bouquet. Si Lia, nginitian saglit si Leona. Sa mata ng anak, nakita niya ang dahilan kung bakit niya inilaban ang lahat.
Last Updated : 2025-07-30 Read more