“Ang aga naman yatang umuwi ng mag-asawa,” ani Jacob habang pinagmamasdan ang papalayong sina Lia at Leon."Hayaan mo na. Baka magtatanim na ng semílya si Tama kay doctora,” pabirong sambit ni Jett.Lumaklak ng alak si Jackson. "I doubt it. Masyadong torpe ang kaibigan natin. Ni hindi nga siya makanakaw nang malalim na halik sa asawa niya eh,” natatawang wika niya."Sabagay,” magkapanabay na sang-ayon nina Jacob at Jett sabay tawa."Oo nga pala, kuya. Bakit ayaw mong isama natin dito ang mga asawa natin? Wala tuloy akong mayakap at makalandian.”"Naku, sinabi mo pa Jett! Ewan ko ba riyan kay kuya. Mas masaya sana kung kasama natin sina Arya, Mereya at Freya eh. Ang boring tuloy ng gabing ito,” reklamo ni Jacob.Ibinaba ni Jackson ang kopita sa mesa. "Mga gàgo ba kayo? Tingnan niyo nga kung anong klaseng party ‘to. Hindi ko pagsusuutin si Eya ng one piece, two piece o kahit three piece pa iyan! Napakaraming manyakís dito, sigurado ako roon. Ayos lang ba sa inyo na pagtinginan at pagnas
Last Updated : 2025-07-02 Read more