Chapter 170Paglapit namin ni Alaric, hindi na kailangan ng salita. Wala nang pag-uusap, wala nang negosasyon.Putok ng galit, bigwas ng galit ang sumalubong.Sumugod siya, mabilis—pero mas mabilis ako.Nagpalitan kami ng suntok. Malalakas. Nakabibingi ang tunog ng bawat tama ng kamao sa laman.Sumapol ang kamao niya sa pisngi ko—marahas, malalim ang sugat na naiwan. Pero hindi ako umatras.Tumama ang siko ko sa tagiliran niya, napaurong siya ng bahagya. Bago pa siya makabawi, sinundan ko ng isang matinding uppercut sa ilalim ng panga niya. Umalagwa ang ulo niya pabalik, pero parang hayop na nagngangalit, dumaluhong uli.Sinunggaban ko ang batok niya, pinilit kong ilakdaw siya sa pader."Para sa kapatid ko. Para sa bawat inosente mong pinatay," nagngangalit ang boses ko, halos pabulong. Nagpumiglas siya, tinuhod ako sa tagiliran—ramdam ko ang hapdi pero hindi ko pinansin. Hinarap ko siya muli, binitawan ang isang suntok na tumama direkta sa ilong niya—may pumutok na dugo.Naghabulan
Terakhir Diperbarui : 2025-04-27 Baca selengkapnya