Chapter 394 Sumunod si Elira. Tahimik lang siya, pero nginitian ang pari habang binubuhusan siya ng tubig. “Elira Montero, binibinyagan kita sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.” Tumulo ang luha ni Jasmine habang hawak ang kamay ko. Si Renz ang unang lumapit. “Bilang ninong, hindi lang po ako tagabigay ng regalo. Isa po akong tagabantay. Caelan, Elira… sana paglaki ninyo, matutunan niyong lumaban, magmahal, at manindigan—katulad ng mga magulang ninyo.” Sumunod si Cherie. “Elira, baby girl, ninang Cherie mo ‘to. Isusulat ko lahat ng milestones mo sa notebook—lahat ng tawa mo, iyak mo, first crush mo. At kapag nasaktan ka, si ninang ang una mong lalapitan.” Tumawa ang ilan sa loob ng simbahan, pero dama ang sinseridad sa bawat salita. Lumapit ako sa altar, buhat si Caelan habang si Jasmine ay buhat si Elira. Huminga ako nang malalim. “Caelan. Elira.” “Ngayong araw, isinuko namin kayo sa Maykapal—hindi dahil mahina kami, kundi dahil naniniwala kaming mas ma
Terakhir Diperbarui : 2025-08-05 Baca selengkapnya