Chapter 406 Pagkasara ng pinto ay tuluyan nang lumubog ang paligid sa katahimikan. Tanging tik-tak ng orasan sa dingding ang maririnig, tila ba paalala sa bawat segundong lumilipas na wala na si Jasmine. Umakyat ako sa kwarto namin—ang kwarto na dati’y puno ng tawanan, kulitan, at mga kwentong bago matulog. Pagpasok ko, ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa bintana. Sa gilid ng kama, nandoon pa rin ang unan at kumot niya, maayos na nakalatag na para bang hinihintay pa rin siyang umuwi. Umupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang maliit na frame ng litrato namin noong honeymoon. Nakangiti siya roon, hawak-hawak ang kamay ko habang nasa tabing-dagat kami. Napakagat ako sa labi, pilit pinipigil ang luha, pero sa huli, bumigay rin. “Bakit… bakit mo ako iniwan nang ganito kaaga, Jas?” mahina kong bulong, kahit alam kong wala nang kasagot. Sa bawat sulok ng silid, naroon ang alaala niya—ang pabango niyang nakatambay pa rin sa dresser, ang mga libro niyang nakahilera sa shel
Terakhir Diperbarui : 2025-08-08 Baca selengkapnya