NAKAPARADA na sa labas ng resort ang taxi na sasakyan ng mag-inang sina Aster at Wendy pauwi ng Manila. "Aster, nasa labas na ang taxi na tinawagan mo kanina para ihatid tayo," tawag ni Wendy sa anak. Handa na ang lahat para sa kanilang pag-alis. Malungkot na nakatingin si Jena sa mag-ina. "Nay, tatawagan ko po kayo 'pag nasa Manila na kami ni Mama," sabi ni Aster, hawak niya ang maliit niyang maleta habang nasa tabi ang ina. Marahan na hinaplos nito ang kanyang tiyan saka siya niyakap. "Mag-iingat kayo sa biyahe. Si baby, ingatan mo, anak," bilin ni Jena na nangangata ang boses, parang iiyak na. Nang bumitaw si Aster sa pagkakayakap ng biyenan ay sumunod na nagpaalam ang Mama niya. "Mare, mag-iingat ka dito..." sabi naman ni Wendy. Tumango si Jena at pilit na ngumiti. Ngunit bago pa man sila makalabas ng main door ng resort, bumungad sa kanila si Jai na hingal at namumula ang mukha na tila nagmamadali. Nagulat sina Wendy at Jena, maging si Aster ay nanlaki ang mga mat
Last Updated : 2025-06-19 Read more