Share

280

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-06-19 17:03:25

"HINDI na ba mapipigilan ang desisyon mong bumalik sa Manila?" paniniguradong tanong ni Jena sa manugang.

Marahang tumango si Aster. "Opo, Nay. Baka hindi ko na po mahintay si Jai rito sa resort."

Malungkot na tumingin si Jena kay Aster. "Pagpasensiyahan mo na ang anak ko. Naiintindihan ko ang damdamin mo, kung bakit 'yan ang pasya mo. At hindi kita pipigilan. Sana ay makaisip si Jai na puntahan ka na ngayon para naman mawala ang agam-agam sa kalooban mo."

Malamlam ang mata na nagyuko si Aster. Ayaw niyang ipakita ang pagluha sa ginang, na ina ng kanyang asawa.

Napatunghay siya sa ginang at tumingin dito na sobrang bigat ang kalooban.

"Hindi po ako galit, Nay. Medyo masama lang po talaga ang loob ko. Mag-asawa na po kami ni Jai pero parang binabalewala niya pa rin ako. Magkakaanak na po kami, ayoko po na harapin ito na mag-isa. Pero iyon po ang ipinaparamdam niya sa akin."

Hinawakan ni Jena sa balikat si Aster. Saka, tumango. "Alam ko, kaya nga naiintindihan ko lahat. Hindi ako
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Amhie Banares
ay ambot saimo jay lagi k nlng late dumating
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   281

    NAKAPARADA na sa labas ng resort ang taxi na sasakyan ng mag-inang sina Aster at Wendy pauwi ng Manila. "Aster, nasa labas na ang taxi na tinawagan mo kanina para ihatid tayo," tawag ni Wendy sa anak. Handa na ang lahat para sa kanilang pag-alis. Malungkot na nakatingin si Jena sa mag-ina. "Nay, tatawagan ko po kayo 'pag nasa Manila na kami ni Mama," sabi ni Aster, hawak niya ang maliit niyang maleta habang nasa tabi ang ina. Marahan na hinaplos nito ang kanyang tiyan saka siya niyakap. "Mag-iingat kayo sa biyahe. Si baby, ingatan mo, anak," bilin ni Jena na nangangata ang boses, parang iiyak na. Nang bumitaw si Aster sa pagkakayakap ng biyenan ay sumunod na nagpaalam ang Mama niya. "Mare, mag-iingat ka dito..." sabi naman ni Wendy. Tumango si Jena at pilit na ngumiti. Ngunit bago pa man sila makalabas ng main door ng resort, bumungad sa kanila si Jai na hingal at namumula ang mukha na tila nagmamadali. Nagulat sina Wendy at Jena, maging si Aster ay nanlaki ang mga mat

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   280

    "HINDI na ba mapipigilan ang desisyon mong bumalik sa Manila?" paniniguradong tanong ni Jena sa manugang. Marahang tumango si Aster. "Opo, Nay. Baka hindi ko na po mahintay si Jai rito sa resort." Malungkot na tumingin si Jena kay Aster. "Pagpasensiyahan mo na ang anak ko. Naiintindihan ko ang damdamin mo, kung bakit 'yan ang pasya mo. At hindi kita pipigilan. Sana ay makaisip si Jai na puntahan ka na ngayon para naman mawala ang agam-agam sa kalooban mo." Malamlam ang mata na nagyuko si Aster. Ayaw niyang ipakita ang pagluha sa ginang, na ina ng kanyang asawa. Napatunghay siya sa ginang at tumingin dito na sobrang bigat ang kalooban. "Hindi po ako galit, Nay. Medyo masama lang po talaga ang loob ko. Mag-asawa na po kami ni Jai pero parang binabalewala niya pa rin ako. Magkakaanak na po kami, ayoko po na harapin ito na mag-isa. Pero iyon po ang ipinaparamdam niya sa akin." Hinawakan ni Jena sa balikat si Aster. Saka, tumango. "Alam ko, kaya nga naiintindihan ko lahat. Hindi ako

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   279

    LUMIPAS pa ang dalawang araw, limang araw na ay hindi pa rin bumabalik si Jai sa resort kung nasaan sina Aster. Ayaw mag-isip ng masa ni Aster. Pero hindi niya talaga maiwasan, lalo't hindi naman tumatawag sa kanya si Jai. "Ma, gusto ko na pong bumalik sa Maynila..." sabi ni Aster sa ina. 'Di na ata niya mahihintay si Jai. Limang araw na siyang pinapaasa ng kanyang asawa. Hindi pa sabihin na wala na itong balak na balikan siya sa resort. Naiinis siya, ginagawa na lang siyang parang uto-uto ni Jai. Dinala sa resort, tapos basta na lang iniwan na parang hayop. Wala man lang paliwanag o pasabi kung babalik pa. "Sigurado ka na ba roon, Aster? Baka nabibigla ka lang. Hintayin pa natin si Jai, siguro sobrang abala lang niya sa trabaho kaya hindi ka niya natatawagan o kaya'y napupuntahan dito sa resort," pangungumbinsi pa ni Wendy na hintayin pa ng ilang araw si Jai. "Ilang araw pa po ba ang hihintayin ko? Baka tubuan na po ako ng ugat kahihintay kay Jai. Ni hindi man lang siya tumatawag

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   278

    Pinuntahan ni Jai ang ama sa ospital. Umalis muna pansamantala si Tony para makalimot. Hinayaan na rin niya dahil hindi rin madali ang pinagdadaanan ng kanyang pinsan. Humihiling nga ito na manirahan na muna sa malayo. Wala naman silang magawa ng Tatay Rey niya kung ito ang pasya ni Tony. "Kumusta na po ang pakiramdam n'yo?" tanong ni Jai sa ama. "Okay sa okay na," nakangiting sagot ni Reynaldo. "Anong balita kay Sandro, anak?" "Nakakulong na po siya ngayon. Siguro naman po ay pagdudusahan niya ang lahat ng ginawa niya." Tumango si Reynaldo. May bahagyang lungkot sa kanyang mga mata, pero dama ang gaan sa loob. "Magiging maayos na ang lahat," sabi ni Jai. "Unti-unti po kaming babangon. Lalo na si Aster. Wala nang Sandro na susundan o tatakutin siya. Wala nang panganib. Hindi na rin po makakapanggulo sina Tito Renan at Carlita." Hinawakan ni Reynaldo ang kamay ng anak. "Salamat, anak. Alam kong hindi naging madali 'to para sa'yo... sa ating lahat. Pasensiya ka na dahil pati kayon

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   277

    "HOY, bilisan mo, Sandro! Ang kupad-kupad mong kumilos. May mga sako ka pang bubuhatin dito! Sayang ang ibinabayad ko sa'yo kung hindi mo matatapos lahat!" bulyaw ng foreman kay Sandro. Walang magawa si Sandro kundi gawin ang ipinag-uutos sa kanya. Wala nang tumatanggap sa kanya sa trabahong natapos niya noon. Mayroon na siyang masamang rekord na mahirap burahin, kaya nagtitiis siya ngayon sa construction kahit mahirap ang trabaho, sobrang pagod at maliit pa ang kita. Kinuha niya ang isang sako ng buhangin at pinasan sa kanyang balikat. Hirap na hirap siya habang binabaybay ang daan papunta sa hagdanan. Dadalhin niya ito sa ikatlong palapag. Ngunit biglang dumating ang mga pulis. Nagkagulo sa paligid. Tumigil sa trabaho ang ilang manggagawa at napatingin sa pagbaba ng mga armadong lalaki mula sa kanilang sasakyan. Matitigas ang mukha ng mga pulis, tila ba may hinahanap. "Ikaw ba si Sandro Pascual?" tanong ng isa, diretso sa kanya. Napahinto si Sandro sa paghakbang. Bumigat

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   276

    SA labas ng villa, nakapalibot silang apat sa paligid ng bonfire. Hawak ni Jai ang gitara, tumutugtog habang mahina siyang kumakanta. Tahimik lang sina Wendy at Jena habang nakikinig. 'Di maalis ang ngiti sa labi ni Aster na kumakain ng marshmallow. Napatingin si Aster kay Jai. Hindi niya mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan ito. Ang simpleng tugtog, ang boses nitong may lamyos, at ang para bang sinasadyang pag-iwas ng tingin nito sa kanya, lahat iyon ay bumabalot sa kanya ng init na hindi galing sa apoy. Pagkatapos ng huling nota ng kanta, nagpalakpakan sila. Tumigil si Jai sa pagtugtog at sandaling tumingin sa asawa. "May gusto ka bang kantahin?" tanong niya kay Aster, medyo mahina, parang sila lang ang nagkakaintindihan. Nagkibit-balikat si Aster. "Wala. Pero gusto kong makinig pa ng kanta mo." Ngumiti si Jai. "Okay. Pero next song, para sa’yo ‘to." Nagbiro si Wendy sa anak. "Uy, Aster, special mention!" Nagkatawanan silang lahat. Pero si Aster, hindi sumagot. Na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status