NAGPAPAHINGA si Zander, sa kanyang cubicle, nakapikit ang kanyang mga mata at nasa batok ang kanyang kamay, nang may lumingkis na mga braso sa kanyang tiyan. Punapatakan ng halik ang kanyang tenga. "Drea, alam kong ikaw 'yan," inis na sabi ni Zander. "Hindi mo ba nakita na nagpapahinga ako. May shift pa ako..." Night shift si Alexzander Santos, at isang call center agent. Dahil sa hirap niyang makahanap ng trabaho, pinatos na niya ang pagiging call center agent. Ang laking dismaya ng parents niya na sa ganitong uri ng trabaho siya babagsak, pagkatapos makagraduate sa isang magandang university. Naninirahan siya mag-isa sa isang mumurahing apartment. Matagal na siyang humiwalay sa kanyang mga magulang. Pero nakatira pa rin ang parents niya sa dating bahay nina Velora at Vanna. "Alam na alam mo talaga ang amoy ko, Zander. Puwede naman tayong sumingit ng oras habang nagpapahinga ka. Pampagising..." pang-aakit ni Drea. Katrabaho ni Zander si Drea. Isang beses palang may nangyaya
Terakhir Diperbarui : 2025-06-22 Baca selengkapnya