"LOVE, andito na ang wedding coordinator natin. Ipinadala nina Velora at Mr. Dewei Hughes," anunsyo ni Zander habang papasok sa kusina. Napatigil si Vanna sa paghalo ng niluluto. Nilingon niya ang asawa at kunot-noong nagtanong, "Ha? Bakit kailangan pa ng wedding coordinator? Okay na sa atin ang simpleng kasal..." Naghugas siya ng kamay, nagpupunas habang patuloy na nagsasalita. "Saka akala ko ba intimate lang, 'yung tayong dalawa lang talaga at ang mga bisita ay malalapit lamang sa atin." "Alam mo naman ang mga kapatid mo, mas excited pa sila sa kasal natin kaysa sa atin," natatawang sabi ni Zander. Lumapit siya at hinawakan sa magkabilang balikat ang asawa, saka marahang inilabas sa kusina patungong sala. Natawa na rin si Vanna. "Sabagay. Lalo na si Ate Velora, parang siya ang ikakasal, eh." Tinabihan siya ni Zander at agad ipinulupot ang braso sa beywang ni Vanna, saka bumulong, "Basta ako, ang mahalaga sa akin ay ikaw ang mapapangasawa ko." Namula si Vanna at bahagyang tinam
Last Updated : 2025-07-26 Read more