ANG PAGBUBUO NG PLANONagdesisyon naming balikan ang bar kung saan nagsimula ang lahat. Alam kong delikado, pero wala kaming ibang paraan para malaman ang katotohanan.Pagdating namin sa bar, agad kaming pumunta sa bartender na nagsilbi ng inumin ko noong gabing iyon. Tumitig siya sa amin, halatang nag-aalangan nang marinig ang tanong ni Melissa."Naaalala mo ba 'yung gabing ito? 'Yung kasama ko?" tanong ni Melissa, sabay pakita ng larawan namin mula noong gabing iyon.Napatingin siya sa akin, at para siyang napaisip. "Oo, naaalala ko. Medyo wild kayo noong gabing 'yon," sabi niya, pilit na ngumiti."May mga lalaking lumapit sa akin noon, di ba? May sinabi sila sa 'yo, tama ba?" tanong ko, pilit pinapakalma ang sarili.Nanlaki ang mata niya, tila nagulat sa diretsahang tanong. "Ah… ano, hindi ko na maalala 'yon," sagot niya, halatang nagsisinungaling."Please," sabi ko, halos magmakaawa. "Kahit konting detalye lang. Kailangan ko 'to."Hindi siya sumagot agad. Maya-maya, bumuntong-hini
Last Updated : 2025-08-03 Read more