"Pag-iisipan ko ang sinabi mo, Dencio. Kung sakaling sumang-ayon ako, kakaltasin ko ang dalawang milyong utang mo sa akin, kaya tatlong milyon na lamang ang balanse ko kung sakaling tanggapin ko ang iyong alok. Maliwanag ba, Dencio?" sabi ko sa kanya. Nakita ko ang kakaibang kislap sa mata nito."Maliwanag, Mister Mondragon! Maliwanag! Maraming salamat po! Maraming salamat! Hindi po kayo magsisisi sa anak ko.""Hindi pa po ako nagpapasya, Dencio. At kung sakaling magpasya ako, hindi mo makukha ang tatlong milyon nang ganoon kadali!""Ha? Anong ibig mong sabihin?" "Malalaman mo kapag nakapagpasya na ako. Hintayin mo ang pasya ko. Meron pang tatlong araw," sabi ko."Sige, maraming salamat, Mister Mondragon." "Siya nga pala, yung lumapit kaninang babae na nagsilbi sa’yo ng sisig? Yun ang anak ko!" biglang sabi ni Dencio sa akin. Napatda ako sa sinabi niya, ngunit hindi ako nagpahalata."Sige, may kailangan pa akong asikasuhin at dapat puntahan. Mauna na ako, Dencio. Hintayin mo ang pasy
Read more