Gising na si Drake limang oras matapos ang operasyon. Agad nitong hinanap ang kanyang telepono. Inabot naman iyon sa kanya ng nurse na naroon na kumukuha ng kanyang blood pressure. "Nurse, nasaan ang tauhan, ah, yung nagbabantay sa akin?" "Ah, si Sir Cute po ba, Mr. Mondragon? Nagpaalam po sandali dahil may kaguluhan daw po sa casino. May mga tao daw po na nanggugulo doon.Pero babalik daw po siya agad," sagot ng nurse. Hinayaan muna ni Drake na tapusin ng nurse ang kanyang routine. Pagkaalis ng nurse, agad niyang tinawagan ang numero ni Empoy. "Anong nangyayari? Bungad agad niyang sinagot ang tawag. "Bossing, gising ka na? "Pwede bang Drake na lang ang tawag mo mula ngayon, huwag na 'yung Bossing. Ayoko na niyan, nakakabuang," sabi ni Drake. Hindi niya masabi, pero mula nang makita niya kung paano mag-alala sa kanya si Empoy noong sugatan siya, para bang gusto na lang niya tawagin itong utol. At kahit anong request nito na gawing shield sa panganib, hinding-hindi niya ito ibaba
Last Updated : 2026-10-15 Read more