Nang makalayo nang kaunti si Abby mula sa ilalim ng bahay, hindi siya tumigil sa paghakbang. Ang mga dahon ng mais ay humahampas sa kanyang braso, ngunit hindi niya ito inalintana. Ang tanging nasa isip niya ay makalayo sa bahay, makalayo sa mga tauhan ni Levi, at makahanap ng tulong. Madilim sa paligid, tanging ang manipis na liwanag ng buwan ang nagbibigay sa kanya ng gabay sa paghakbang. Ngunit bigla siyang huminto.Mula sa kabilang dako ng taniman, narinig niya ang mga tinig at kaluskos. Hindi galing sa direksyon ng bahay, kundi sa daanang patungo sa bayan. Nanlamig si Abby sa kanyang narinig. Dumating siya, at kasama niya ang mas maraming tauhan. Napaliguan na nila ang buong paligid. Walang daanang malaya.Lingid sa kaalaman ni Abby, ang mga kalakos at yabag na narinig niya ay hindi mula sa mga tauhan ni Levi kundi sa mga tauhan ni Nicolas. At kaibigan ng kanyang asawa si Drake.Sa kabilang dako, sa loob ng bahay, mabilis na kumilos sina Nicolas at ang kanyang mga kasama. Sa ka
Last Updated : 2026-11-05 Read more