YslaTahimik ang biyahe namin ni Nathan papuntang San Mateo. Nakatingin ako sa bintana ng kotse habang tinatahak namin ang paakyat na kalsada patungo sa bahay ni Rafael, ang anak ng dating abogado ng aking mga magulang. Ang bawat kurbada ay tila mas nagpapabigat sa dibdib ko na parang palapit kami nang palapit sa isang lihim na matagal nang nakatago sa likod ng katahimikan.Hawak ni Nathan ang manibela, ngunit paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa akin. Hindi siya nagsasalita, pero ramdam kong alerto siya sa lahat lalo na sa emosyon ko. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon. Hindi ko kailangang sabihin pa, pero alam niyang nagpapasalamat ako sa pagsama niya.Pagdating namin sa isang gate na yari sa kahoy at bakal, bumaba si Nathan para tumawag gamit ang maliit na doorbell sa tabi. Hindi nagtagal, bumukas iyon, at lumitaw ang isang lalaki sa edad na humigit-kumulang trenta’y singko. Maayos ang postura nito, nakasuot ng simpleng puting polo, ngunit makikitaan ng pagod sa mga mata.
Last Updated : 2025-07-08 Read more