Share

Chapter 79

last update Last Updated: 2025-09-08 16:00:35

Third Person

“Isoli mo ang binayad ko sa’yo kung ayaw mong lumiit ang mundo mo!” malamig ngunit puno ng pagbabanta ang boses ni Mr. Bustamante sa kabilang linya.

“Mr. Bustamante, nagkabayaran na tayo at—” pilit na paliwanag ni Sandro, nanginginig pa ang kamay habang hawak ang cellphone.

“Wag mo akong subukan, Dela Peña!” singhal ng matandang negosyante. “Alam mong niloko mo ako. Hindi pala sa’yo ang share. Huling sabi ko na ito sa’yo.” At bago pa makapagsalita si Sandro ng depensa, basta na lang pinatay ni Mr. Bustamante ang tawag, iniwan siyang nakatulala at nanggagalaiti.

“Bwisit!” napasigaw si Sandro sabay hampas ng kamao sa mesa. Umuga ang basong nakapatong malapit lang sa kanya kaya medyo natapon pa ang lamang tubig. Nagsisimula ng magtawagan ang mga negosyanteng pinagbentahan niya ng shares at ari-arian ni Ysla. Isa-isa nilang binabawi ang mga bayad, at ramdam niya ang unti-unting pagguho ng mundong akala niya’y hawak niya sa leeg.

“Paano na tayo, Dad?” umiiyak na tanong ni Lizb
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 79

    Third Person“Isoli mo ang binayad ko sa’yo kung ayaw mong lumiit ang mundo mo!” malamig ngunit puno ng pagbabanta ang boses ni Mr. Bustamante sa kabilang linya.“Mr. Bustamante, nagkabayaran na tayo at—” pilit na paliwanag ni Sandro, nanginginig pa ang kamay habang hawak ang cellphone.“Wag mo akong subukan, Dela Peña!” singhal ng matandang negosyante. “Alam mong niloko mo ako. Hindi pala sa’yo ang share. Huling sabi ko na ito sa’yo.” At bago pa makapagsalita si Sandro ng depensa, basta na lang pinatay ni Mr. Bustamante ang tawag, iniwan siyang nakatulala at nanggagalaiti.“Bwisit!” napasigaw si Sandro sabay hampas ng kamao sa mesa. Umuga ang basong nakapatong malapit lang sa kanya kaya medyo natapon pa ang lamang tubig. Nagsisimula ng magtawagan ang mga negosyanteng pinagbentahan niya ng shares at ari-arian ni Ysla. Isa-isa nilang binabawi ang mga bayad, at ramdam niya ang unti-unting pagguho ng mundong akala niya’y hawak niya sa leeg.“Paano na tayo, Dad?” umiiyak na tanong ni Lizb

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 78

    Nathan“Sir, nai-file na ang lahat ng kaso. Handa na rin si Atty. Rafael at ang hearing na lang ang hinihintay,” maingat na ulat ni Damien habang iniaabot sa akin ang folder ng mga dokumento. Kita ko ang bakas ng pagod sa kanyang mukha, ngunit mas nangingibabaw ang determinasyon doon.Tumango ako at bahagyang lumuwag ang pagkakakrus ng mga braso ko. “Kung ganon, may kailangan pa ba tayong gawin? May dapat ba tayong paghandaan bukod sa hearing?”Sandaling nag-isip si Damien bago muling nagsalita. “Ang bilin ni Atty. Rafael ay mag-ingat si Ma’am Ysla. Hindi raw natin alam ang mga galaw ni Sandro. Kapag gipit ang isang tao, kahit imposible ay gagawa ng paraan. Mas mabuti raw na lagi tayong nakabantay.”Bahagya akong napatingin sa labas ng aking opisina kung saan tanaw ang mga nagtataasan din na mga building. Naramdaman ko ang bigat ng responsibilidad. “Tama siya,” mahina kong sagot, saka muling bumaling k

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 77

    Nathan“Pupunta ako sa bahay nila Grace, may schedule ako ng live streaming para sa masked singer,” aniya habang abala sa pagscroll sa kanyang cellphone. Kita ko sa mukha niya ang halo ng excitement, talagang pagdating sa pagkanta ay nagkakaroon ng kakaibang kislap ang kanyang mga mata.“Magtatagal ka ba?” tanong ko habang palapit ako sa kanya, kahit ang totoo ay gusto ko lang malaman kung hanggang anong oras ko siya hindi makikita. Galing ako sa silid ni Lola para kamustahin and I'm glad na maayos naman ito. Higit na masigla lumpara sa karaniwan.“Uuwi din ako agad pagkatapos,” tugon niya, bahagyang ngumiti pero agad ding nagseryoso. “And please, stop sending me moon gifts.”Napataas ang kilay ko. “Alam mo naman na kaligayahan ko na iyon kaya ‘wag mo na akong pagbawalan pa,” sagot ko na may kasamang buntong-hininga. Ewan ko ba sa kanya kung bakit palagi pa niya akong sinasaway tungkol sa bagay na ‘yon, gayong alam naman niyang hindi ako magpapaawat. Para bang isang bata na pinagkakai

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 76

    Nathan“Kamusta na ang pakiramdam mo, Lola?” malumanay na tanong ni Ysla habang naupo siya sa gilid ng kama.“Mabuti naman, apo.” Ngumiti ang matanda, at dama ko na hindi iyon pilit dahil may lambing sa kanyang mga mata. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ng asawa ko, bago dahan-dahang ibinaling ang kanyang tingin sa akin. Ngunit kapansin-pansin ang bigat ng kanyang titig. Seryoso, puno ng mensaheng hindi ko agad mawari.“Dumating ang Daddy mo at kinausap ako,” mabigat niyang sambit.Parang biglang may malamig na dumaloy sa ugat ko. Napapitlag ako, at halos sabay kaming napatingin ni Ysla sa isa’t isa. Kita ko ang pagkabahala sa kanyang mukha na parang may mga tanong na ayaw niyang bitawan pero ayaw din niyang ipilit.“Ano ho’ng sabi?” halos pabulong kong tanong habang dahan-dahan akong naupo sa kama sa tabi ng aking asawa. Hindi ko napigilang hawakan ang kulubot na kamay ni Lola, at sa mismong haplos ng kanyang balat, ramdam ko ang bahagyang panginginig ng sarili kong palad. May kaba

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 75

    YslaHindi ko akalain na mabibigla ako nang gano’n at mapapayakap kay Nathan. Mabilis ang tibok ng puso ko, parang nabuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko sa gulat. Kakawala sana ako, pero mahigpit niya akong hinapit pa, y'ung tipong ramdam ko ang init at bigat ng mga bisig niya, na para bang sinasabi niyang hindi niya ako hahayaang lumayo kahit anong mangyari.Napatingin ako sa paligid at agad kong nahuli ang ilang pares ng matang nakatutok sa amin. Mga empleyado niyang tila nagulat sa nasaksihan, nakatitig na may halong pagkabigla at pananabik. Ramdam ko ang biglang pag-init ng pisngi ko sa atensyong iyon.“I’m sorry,” mabilis na sabi ko kay Nathan, may bakas pa ng inis sa tono ko. “Nagalit kasi ako sa ginawa ni Lizbeth. She went here and—”“It’s okay,” putol niya sa akin bago pa ako tuluyang makapagsalita. At bago pa ako makahuma, naramdaman ko na lang ang malambot ngunit matatag na paglapit ng kanyang mga labi sa akin. Sa una’y banayad, parang tinitimbang kung paano ko

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 74

    YslaDalawang linggo na ang mabilis na lumipas mula noong huli naming makausap ni Nathan si Atty. Rafael. Sinabi nitong siya na raw ang bahala sa lahat. Mga legalidad, papeles, at proseso, kaya’t buong tiwala naming ipinagkatiwala sa kanya ang lahat. Ayon sa kanya, iyon din ang utos ng kanyang ama, na masiguro raw na mapupunta sa akin, o sa taong tunay na may karapatan, ang lahat ng pinaghirapan ng aking mga magulang.Abala ako sa pag-asikaso ng isang proposal para sa isang high-profile client, nakatutok ang atensyon sa screen, nang bigla na lang akong magulantang sa biglang pagdating ni Lizbeth. Humahangos siya, litaw na litaw ang galit sa kanyang mukha, habang nakasunod sa kanya si Arnold na animo'y hindi alam kung paano hahabol o pipigil.“How dare you!” sigaw ni Lizbeth sabay duro sa akin, rinig na rinig sa buong opisina ang boses niyang parang pinagsamang yabang at takot.Nag-angat ako ng tingin mula sa screen ng aking computer at tiningnan siya nang diretso. Ang ilang miyembro n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status