Third Person“Dad, ano ba? Wala ka bang balak gawin sa Ysla na ‘yon?” reklamo ni Lizbeth habang walang tigil sa paglalakad paikot-ikot sa harapan ng mga magulang niya, tila ba isang tigre sa loob ng hawla na hindi matahimik sa galit at inis sa kanyang pinsan.Kanina pa siya daldal nang daldal, paulit-ulit ang hinaing, habang ang ama ay napapahilot na lang sa sentido. Halata ang pamumuo ng inis sa kanyang mukha, waring pinipilit huwag sumabog kahit pa ilang ulit nang pinapatahimik ang anak.“Dear, tumigil ka muna,” singit ni Betchay habang pinipilit manatiling kalmado. “Hindi mo ba nakikita? Nag-iisip na nga ang ama mo, dinadagdagan mo pa ang sakit ng ulo niya.”“Pero Mommy!” halos sigaw na ni Lizbeth, sabay bagsak ng katawan sa sofa. “Naiinis na ako sa Ysla na ‘yon! Gumawa na naman siya ng bagong account, tapos pinangalanan pa niya na ‘The Original Masked Singer.’ Obvious na kalaban ‘yon sa branding ko!”Napatingin si Sandro sa anak, kumunot ang noo, at sumabog ang inipon na galit.“T
Terakhir Diperbarui : 2025-05-31 Baca selengkapnya