Khaliyah POVPagpasok ko sa loob ng kuwarto, nagulat ako kasi nakaupo sa table si Nolan, nakaharap na naman sa laptop niya habang may kausap.Paglapit ko sa kaniya, sumenyas siya na maghintay ako. “Sorry, sobrang importante itong emergency meetin,” mahina niyang bulong habang nakatakip ang kamay niya sa phone. Pagkasabi niya nun, bumalik na agad siya sa kausap niya.Napailing ako kasi hindi ito maganda. Isa lang ‘yung dala kong gamot, isa lang ang nabili ko. Kung lalamig ang gatas at hindi niya ito maiinom, lagot na, hindi ko siya mapapatulog agad. Akala ko pa naman ay madali na lang ito, hindi pala kasi may lintik na emergency meeting na naman.Naupo muna ako sa kama, nakinig sa kaniya.“Papa, hindi natin puwedeng gawin ‘yon. Alam mo namang humihina na tayo, mas malakas ang grupo na pinapalabas ni Yanu Vanguardia. Palagi tayong talo, palagi ring nasisira ang mga teritoryo natin. Kapag tayo ang unang sumugod, mababawasan na naman tayo ng soldiers,” dinig kong sabi ni Nolan habang sery
Huling Na-update : 2025-06-09 Magbasa pa