Khaliyah POVNakita ko si Larkin sa may terrace, abala sa pag-aayos ng mga gamit para sa training na dapat ay mangyayari ngayong umaga. Ang dami niyang inihanda, mukhang masaya pa naman siya kasi nagawa namin ng maayos ang plano kagabi, ‘yun nga lang, hindi niya alam na palpak pala talaga.“Oh, nandiyan ka na pala agad,” bati niya sa akin habang nakangiti. “Konti na lang, ayos na ang gamit mo. Nilinis ko na rin ang mga ito kaya hindi na maalikabok.”Hindi ako nakasagot agad. Hinigpitan ko ang hawak ko sa phone. Nakabukas na kasi ang call. Nandoon si Nolan sa kabilang linya, tahimik lang na nakikinig. Isa ito sa mga kondisyon niya kanina: kakausapin ko si Larkin sa harap niya, kahit hindi siya nakikita nito, para marinig niya mismo kung paano ko puputulin ang lahat.Huminga ako nang malalim. Pinilit ko ang sarili kong tumayo nang diretso kahit ang tuhod ko ay tila ba gusto nang bumigay.“Itigil mo na ‘yan, wala nang matutuloy na training,” cold kong sabi sa kaniya.Napatingin si Larkin
Last Updated : 2025-06-11 Read more