Ang araw ay sumilip na sa malalawak na bintana ng kanilang bagong bahay. Hindi ito mansyon, pero sapat ang laki para mapuno ng tawanan, kwento, at alaala. Modernong disenyo ngunit may pusong probinsya — may malawak na bakuran, tanim na mga bulaklak ni Bella, at duyan sa likod na gawa sa kahoy at lubid, kung saan madalas tumambay si Rafael habang karga ang kanilang bunso. Sa kusina, abala si Bella sa pagluluto ng agahan. Amoy sinangag, itlog, at hotdog ang buong bahay. May suot siyang simpleng apron habang sinisilip ang nasa kawali. Nilingon niya ang orasan, 7:00 AM na. “Princess! Halika na, kakain na tayo!” tawag ni Bella sa anak nilang si Natnat, na abalang naglalaro ng mga barbie sa kwarto. “Saglit lang po, Mommy!” sagot ng batang babae. Lumabas naman si Rafael mula sa kwarto, may hawak na batang lalaki, mga tatlong taon pa lang. Medyo antok pa ito, nakasandal sa dibdib ng ama. “O, halika na rin, little man,” bulong ni Rafael habang hinahalikan ang bunso sa pisngi. “Tayong mga l
Last Updated : 2025-05-30 Read more