Kabanata 17: Wala Kang Takas "Bitawan mo ako, hayup ka!" Nagpupumiglas si Emma, pilit na inaalis ang kamay ni Chase na mahigpit na nakahawak sa kanya. Hindi siya pinansin ni Chase. Sa halip, mas lalo nitong hinigpitan ang hawak sa kanya. "Tumigil ka, Emma. "Lasing ako, Chase! Hindi mo pwedeng gawin 'to— Pero sa isang mabilis na galaw, iniangkla ni Chase ang isang braso niya sa bewang ni Emma, saka siya buhat na parang isang sako ng bigas. "Chase!" sigaw ni Emma, nanlalaki ang mga mata sa gulat. "Hoy, Mia!" sigaw ni Emma. "Tulungan mo ako!" Ngunit imbes na kumilos, napangisi lang si Mia. "Girl, mukha bang kaya kong pigilan si Chase? Tsaka, aminin mo na, gusto mo rin naman 'yan, eh! "Bwisit ka!" sigaw ni Emma, habang pilit na hinahampas ang likod ni Chase. "Ibaba mo ako, Chase!" "Hindi." Matigas ang sagot ng lalaki habang patuloy sa paglalakad patungo sa sasakyan. Pagdating sa sasakyan, binuksan niya ang pinto, saka dahan-dahang ibinaba si Emma. Pero bago pa siya makawala, mab
Read more