Hindi maintindihan ni Craig kung bakit lagi niyang napapanaginipan si Anne. Siguro nasobrahan na siya sa pangungulit sa babae, kaya gumaganti ito sa kaniya sa kaniyang panaginip. Nagpasya siyang siya na lang ang um-attend ng business conference sa ibang bansa, upang makaiwas na din muna sa babae. Ayaw muna niya itong makita. At isa pa, para na din makahinga. Dumoble pa kasi ang ginagawang pangungulit ng kaniyang ina sa kaniya. At maging ang kaniyang ama ay nahawa na din yata dito. Nobya, asawa at ngayon naman ay apo. Hindi na niya alam kung saan siya lulugar. Iyong nobya at pag-aasawa, mahirap iyan para sa kaniya. Iyong pagkakaroon ng anak, madali lang naman iyon, pero kawawa naman ang bata dahil tiyak niyang hindi siya magiging mabuting ama. Naalala na naman niya si Anne. Hindi naman siya seryoso sa babae, e. Nagagandahan lang siya dito. Siguro, gaya ng ibang mga babae ay gusto niya lang itong matikman. Pero pinipigilan niya ang kaniyang sarili. Baka kasi gaya ng ibang mga baba
Terakhir Diperbarui : 2025-04-19 Baca selengkapnya