“Gustuhin ko man, pero hindi talaga puwede. Siguradong kanina pa naghihintay sa akin sina Samuel at Asher sa bahay,” pagtanggi niya.Nalungkot ang lahat dahil nais nilang makasama si Selena, ngunit gayunpaman, naunawaan nilang lahat na may anak na uuwian si Selena, kaya hindi na sila nangulit pa.Lumingon siya kay Silas at nagtanong. “Sasama ka na ba sa ’kin umuwi?”Umiling agad si Silas. “Dito na muna ako, Ate,” sagot nito. “Nga pala, Ate Lena, may sasabihin ako sa ’yo.”Nagtaka siya bigla. “Ano naman iyon?”“Ate, tutal kasama mo naman si Kuya Axel at ang dalawa kong pamangkin dito sa Regenshire, gusto ko sanang manirahan kasama si Daddy sa Rutherford,” paliwanag ni Silas.Nagulat si Selena sa biglaang desisyong iyon ng kanyang kapatid kaya agad siyang nagtanong, “Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo na iyan?”Tumango si Silas. “Oo, Ate Lena. Pinag-isipan kong maigi ang desisyon ko na ito. Mami-miss ko kayo ni Kuya Axel at ang kambal, pero sigurado naman akong magiging masaya pa ri
Last Updated : 2025-10-17 Read more