Hinawakan ni Selena ang kamay ni Sofia. “Mom, ngayong narito ka na ulit kasama ko… hinding-hindi na tayo maghihiwalay pa,” sabi niya.Hinawakan ni Sofia ang kamay ng anak at marahang pinisil. “Anak… kahit ako ay nais kitang makasama muli, pero—”“Pero ano?” agad na tanong ni Selena.“Hindi pa ito ang oras mo,” ani Sofia.“Ayaw mo ba akong makasama, Mom?”“Hindi sa gano’n, anak,” mahinahong sagot ni Sofia. “Ang totoo, nais ko kayong makasama ng kapatid mong esi Silas. Pero Selena, hindi mo pa oras. May mga taong naghihintay sa ’yo. Marami ang nagmamahal sa ’yo.”Biglang napagtanto ni Selena ang mga sinabi ng ina. Tama ito. Marami na ang nagmamahal sa kanya at kay Silas—nariyan si Braxton, ang buong pamilya ng Godfrey at ng mga Strathmore, lalo na ang kambal niya at si Axel.Sandali siyang natahimik.“Anak,” sabi ni Sofia, sabay turo sa dibdib ni Selena, “wala man ako sa mundong iyon, narito lang ako. Hinding-hindi ako mawawala riyan. Lagi lang akong nariyan.”Napangiti si Selena habang
Última actualización : 2026-01-15 Leer más