Nagkatinginan sina Axel at Selena, parehong biglang nanahimik at seryoso ang mga mukha. Ang kaninang bahid ng kilig at biro ay napalitan ng kaba at tensyon, wari’y may paparating na panganib.Sa sala, naroon na ang lahat, tahimik na nakaupo at naghihintay sa ibabalita ng assistant ni Braxton.“Puwede ka nang magsimula, Justine,” utos ni Braxton.Tumango si Justine. “Anim sa mga tauhan natin ang sugatan, pero matagumpay nilang nahuli ang mga salarin. Lima ang nagsimula ng pamamaril sa sementeryo, kaya lang…” saglit siyang natigilan.“Kaya lang ano?” lalong tumalim ang mga mata ni Braxton, ramdam ang bigat ng tensyon.“Pagkahuli sa kanila, isa-isa silang nagpakamatay. Kaya bago pa namin sila kwestyunin, nagpakamatay na agad sila,” patuloy ni Justine.“Paano nangyari ‘yon? Siguro naman iginapos niyo na sila bago sila nagkaroon ng pagkakataon,” tanong ni Axel, nagtataka.“Maaaring ginawa nila iyon para makaiwas sa pagpapahirap, lalo’t natukoy na nila ang lokasyon ko kaya—” hindi natapos n
Huling Na-update : 2025-09-20 Magbasa pa