Nang makaramdam ng pananakit ng ulo, saka lamang nagpasya si Selena na huminto sa ginagawa. Walang tigil siyang nagbasa ng mga dokumento, isa-isang sinusuri ang mga ito.Sumandal siya sa upuan, hawak ang sentido, at ipinikit ang mga mata habang minamasahe ang noo upang maibsan ang hilo at sakit ng ulo na nararamdaman.Maya-maya, bumukas ang pinto ng opisina. Pumasok si Russell at lumapit.“Mrs. Strathmore, mahigit alas-onse na ng gabi. Mabuti siguro kung umuwi ka na at magpahinga. Naroon na si Barry sa underground parking lot, naghihintay sa ‘yo.”Tumango lamang si Selena at tumayo. Kinuha ang kanyang shoulder bag, maingat na nagligpit ng gamit sa lamesa, saka naglakad palabas ng opisina.Habang naglalakad papunta sa direksyon ng private elevator, hindi sinasadyang may nakasalubong siya pagliko niya sa pasilyo.Muntik na siyang mawalan ng balanse, ngunit mabuti na lamang at naroon si Russell na nakasunod sa kanya. Agad siyang tinulungan nitong tumayo nang maayos.Bahagyang napasimango
Last Updated : 2025-11-08 Read more