Umiikot ang mata ni Anne, nakangisi pa rin. “Okay, sabi mo, eh.”Naiirita na si Maverick sa inasal ni Anne. “Director Summer, kung ginagawa mo lang na biro ang pagbanggit ng pangalan ko para idawit kay Mr. Ventura, mabuti pang mag-isip ka nang mabuti. Nagsimula kay Clarissa na idawit si Daryun, tapos idinawit ka ni Daryun, ngayon dahil ikaw ang nadidiin, magdadawit ka rin ng ibang tao? Sa tingin mo ba—”“At sa tingin mo, wala kang kinalaman sa mga ito?” mabilis na putol ni Anne, tumatawa pa. “Director Rowan, nakuha ko ang contact number mo mula mismo sa cellphone ni Emmanuel. Nabasa ko ang conversation ninyo. Itatanggi mo pa rin kung sabihin kong nakita ko kayong dalawa—kayong dalawa lang—na nagkikita?”Mariing napairi si Maverick. “Ano naman ang malisya ro’n? Kahit dalawa lang kami, wala namang mali. Pareho kaming lalaki. Imposibleng may namumuo sa amin dahil pareho kaming may asawa! O baka gano’n kadumi ang utak mo, Director Summers?”Napakunot ang noo ni Anne sa pasaring ni Maveric
Last Updated : 2025-11-29 Read more