Nagkaroon ng maikling pagpupulong sa conference hall upang talakayin ang ilang mahahalagang bagay—ang pag-rearrange ng mga empleyado, ang pagdating ng mga bagong investor, at ang patuloy na pag-monitor sa mga ongoing projects.Matapos ang kalahating oras, nag-dismiss na si Axel. Isa-isang lumabas ang mga tao mula sa silid. Bago umalis ang iba, lalo na ang mga C-level executives, kitang-kita sa kanilang mga mukha ang tuwa at kagalakan nang makita nilang nakabalik na sa opisina si Axel.“Nagagalak kaming makita kang muling nagtatrabaho, Mr. Strathmore,” bati ni Erico.“Hindi na bago ‘yan kay Mr. Strathmore. Maliban kay Mrs. Strathmore, mahalaga sa kanya ang trabaho,” sabi ni Jared.“Mabuti na lang at nakalaya ka na, Mr. Strathmore,” dagdag ni Tristan.Ngumiti si Axel at tumugon, “Maraming salamat sa inyong lahat. Kahit wala ako rito, nanatili kayong tapat sa inyong tungkulin at trabaho. Higit sa lahat, sinuportahan at ginabayan ninyo si Selena.”Nagkatinginan ang lahat ng C-level execut
Last Updated : 2025-12-04 Read more