“Ganoon ba. Tara, ihahatid na kita pabalik sa suite natin,” sabi ni Axel habang tumatayo para alalayan si Selena.Tumayo rin si Selena, hawak ang kamay ni Axel. “Huwag na. Baka naninibago lang ako. Motion sickness lang siguro—unang beses ko kasing sumakay ng barko.”“Sigurado ka?” tanong ni Axel.Tumango si Selena. “Oo. Doon na muna ako sa open deck para magpahangin sandali.”“Sige,” sang-ayon ni Axel. Lumingon siya kay River. “Samahan mo siya roon.”Tahimik na tumango si River at sinundan si Selena palabas ng Grand Event Hall, patungo sa open deck.Paglabas nila, sumandal si Selena sa railings at malalim na huminga, nilalanghap ang malamig at sariwang simoy ng hangin. Pinagmamasdan niya ang madilim na karagatan habang sinasalubong ng alon ang gilid ng barko. Maliban sa maingay na usapan mula sa loob ng hall, tanging lagaslas ng alon ang maririnig sa labas—payapa at nakakalma.Habang nagpapahinga, may tumawag sa kanya.“Mrs. Strathmore!”Napalingon si Selena, pati si River. Nakita nil
Last Updated : 2025-12-12 Read more