Ginising na ni Selena si Silas upang bumangon at mag-ayos ng sarili. Eksakto namang kumatok ang kasambahay para sabihing nakahanda na ang agahan nila. Pagkatapos magpalit ng damit, sabay na silang bumaba, kasunod ng kasambahay, papunta sa dining hall. Pagbaba pa lang nila sa hagdan, agad niyang napansin ang bagong bisita ng araw na iyon. Ang magulang ni Axel, nakaupo sa malambot na sofa sa sala si Atticus. Nginitian siya ni Alaric. “Magandang araw. Ngayon lang kami nakabisita ni Abigail dito dahil kakarating ko lang mula sa business trip ko sa Mayvaria,” paliwanag nito. “Kamusta naman ang stay mo rito sa Strathmore Manor?” “Maayos naman, dad,” simpleng sagot ni Selena. Habang nag-uusap sila, bumaba na rin si Axel na nagmula sa study room. Pagkakita sa ama, agad itong nagtanong. “Dad, kailan ka pa nakabalik?” “Kanina lang. Dumiretso na kami rito ng mom mo matapos niya akong sunduin sa airport,” sagot ni Alaric. “Dapat nagpahinga ka muna, dad,” sabing may bahagyang pag-aalala
Last Updated : 2025-05-15 Read more