Share

Chapter Fifty Two

Author: FourStars
last update Last Updated: 2025-05-05 21:03:29

“Selena, hindi namin tanggap ang isang gaya mo,” sabi ni Mikael, matigas ang tinig. “Kung ipipilit mo ang gusto mo at ipagsisiksikan ang sarili mo kay Klyde, wala na kaming pagpipilian kundi paalisin ka ng Regenshire.”

Ang mga salitang iyon ay tila mga pangil na tumusok kay Selena. Matapos matahimik ng ilang segundo, naramdaman niyang lumalalim ang galit sa kanyang dibdib. Hindi siya sanay na magpakumbaba, lalo pa’t alam niyang walang siyang kasalanan sa lahat ito.

Nag-angat siya ng tingin at tinitigan ang mag-asawa, walang bahid ng takot sa kanyang mga mata at pananalita.

“Sa sobrang kitid ng utak na mayroon kayo, hindi na ‘ko nagtataka na ganyan ang asal ni Klyde.”

Halos sumabog sa galit ang mag-asawang Mikael at Eliza. Mas lalo na si Klyde, na parang gusto siyang sakalin sa tindi ng inis.

“Wala kang karapatang insultuhin kami!” buwelta nito. “Ikaw ang may nakakahiyang buhay dito! Nagdadalang-tao ka sa batang hindi mo alam kung sino ang ama! Isang araw pa lang ang nakakalipas nang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Ninety

    Agad na lumapit si Selena at hinawakan sa braso si Ophelia. “Tama na, Ophelia. Hayaan mo na sa kanila ang dress. Marami pa tayong pwedeng pagpilian. Hindi lang ‘yan.”Maingat niyang hinatak palayo ang kaibigan, pilit na pinapakalma kahit siya man ay inis na sa narinig at inasal ng dalaw.Ayaw man ni Ophelia, napilitan siyang sumunod kay Selena, at lumipat sila sa kabilang rack. Nang makapili muli sa kabilang rack, may humablot na naman sa isa sa mga bagong napiling dress ni Ophelia, ngayon ay si Lily na ang nang-agaw.“Bagay ‘yan sa ‘yo, Lily,” ani Heather, sabay ngiting may halong panunukso.Napakunot ang noo ni Selena. Ramdam ang tensyon sa pagitan nila, at halatang nainis din si Ophelia, pero pinili nilang kumalma at magpatuloy sa pamimili, pilit iniiwasan ang dalawang bruha.Ngunit hindi ito natapos doon. Sa bawat damit na pipiliin ni Ophelia, agad itong inaagaw nina Heather o Lily. Sa huling pagkakataon, muntik nang sumabog si Ophelia sa galit at tinangkang sugurin sina Heather a

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Eighty Nine

    Sumimangot si Ophelia. “Nawalan na ako ng gana gumala dahil sa Nessa na ‘yon!”Nag-isip si Selena sandali, tinitigan ang kaibigan na halatang inis na inis pa din. “Hmm… gusto mo doon na lang tayo sa bahay namin magliwaliw? Isa pa, ilang oras na lang naman, magta-tanghalian na rin.”Napagdesisyunan na niyang magsabi ng totoo kay Ophelia. Panatag ang puso niya at buo ang loob. Alam niyang si Ophelia ay hindi lang basta kaibigan, isa itong kakampi, isang taong hindi magdadaldal ng lihim o susumbat sa mga desisyong ginawa niya para sa sarili at sa buhay niya.Tinawagan niya si Barry, at agad namang pinaandar ng drayber ang sasakyan na naka-park malapit sa café. Ilang minuto lang ay huminto na ito sa tapat, handang ihatid sila kahit saan nila gustuhin.Binuksan ni Selena ang pinto ng kotse at hinila si Ophelia papasok. Nang makaupo na sila sa loob, agad na napansin ni Ophelia ang napunit na bahagi ng blouse ni Selena.“Ay! Tingnan mo ‘yang suot mo! Magpunta muna kaya tayo sa mall?” alok ni

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Eighty Eight

    Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, mabilis na umatras si Selena ng ilang hakbang, pulang-pula ang mukha sa hiya at kilig. Napangiti si Axel sa kanyang reaksyon, saka hinimas ang ulo niya nang puno ng lambing.Nagpaalam na sila sa isa’t isa. Hinila ni Russell ang mga bagahe nila ni Axel papunta sa security screening habang si Selena ay kumakaway pa rin, nakatitig sa direksyong tinahak ng dalawa hanggang sa tuluyang maglaho ang mga ito sa kanyang paningin.Matapos ihatid ang dalawa sa airport ay dinala naman siya ni Barry sa isang café kung saan sila magkikita ni Ophelia. Pagkapasok niya sa loob, agad siyang luminga-linga sa paligid. Nilibot ng paningin niya ang paligid ng café hanggang sa sawakas ay nakita niya si Ophelia na nakaupo sa isang mesa sa gilid ng bintana. Ngunit bago pa siya makalapit, napansin niyang may kausap ito at tila hindi maganda ang kanilang pag-uusap, batay sa nakakunot na noo ni Ophelia at sa tikas ng kanyang pagkakaupo.Habang unti-unting naglalakad ni Selen

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Eighty Seven

    Humigpit ang hawak ni Axel sa manibela, bakat ang mga ugat sa kanyang dalawang kamay. Mabigat ang dibdib niya, parang pinupunit, habang nakikinig sa sinapit ni Selena sa sarili nitong pamilya.“Hindi ko na mabilang kung gaano ako katagal nagtiis sa pagmamalupit nila sa ‘kin simula pagkabata. Ginawa ko naman ang lahat para bigyang-pansin ako ni dad…” anang tinig ni Selena, mababa ngunit puno ng hinagpis.Naalala pa niya ang bawat pagkakataong sumasali siya sa mga kompetisyon sa eskwelahan. Lahat ng iyon ginawa niya upang patunayan ang sarili. Pinagbubutihan niya hindi lamang ang pag-aaral kundi pati ang bawat laban, bawat pagsali sa anumang paligsahan, lahat para sa isang bagay. Ang makuha ang atensyon ng kanyang ama na si Ricardo.Pero anong naging kapalit ng lahat ng effort niya?Naalala niya ang isang insidente na hindi niya malilimutan.“Hindi ka na dapat nakikipag-agawan ng atensyon sa kapatid mo! Hinayaan mo na lang sanang manalo si Nessa! Wala namang kwenta ‘yang ginagawa mo!”M

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Eighty Six

    Ramdam ni Nigel ang biglaang pagbabago ng paligid, at nang lumingon siya, nakita niya ang madilim na ekspresyon ni Axel, tila’y may malamig na aninong nakatingin sa kanya. “Mr. Strathmore, may problema—” Bago pa matapos ang sasabihin ni Nigel ay bigla itong bumagsak sa sahig, bagsak na parang tuod. Nag-blackout si Nigel sa biglaan at malakas na suntok ni Axel. Ilang saglit pa ay nagkamalay siyang muli. Masakit ang kanyang katawan, lalo na ang mukha na tila binasag ang panga niya. Duguan ang kanyang ilong at masakit ang panga. Pinunasan niya ito gamit ang manggas ng kanyang coat habang tinutulungan ng tauhan na makatayo. “Anong ibig sabihin nito, Mr. Strathmore!?” galit ngunit halatang takot na tanong ni Nigel. Hindi pa rin nawawala ang nakakatakot na ekspresyon ni Axel. Halos umuusok sa galit ang boses nito. “‘Yan ang dapat kong itanong sa’yo, Mr. Giordano. Bakit kasama ng mga tauhan mo ang misis ko?” Nanigas ang buong katawan ni Nigel. Hindi makapaniwala sa narinig.

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Eighty Five

    Ngayon ay naisakatuparan na ang plano ni Ricardo sa tulong ng anak niyang si Nessa.Tiningnan niya ito nang may tuwa. “Maaasahan talaga kita, Nessa. Hindi kagaya ng nakakatanda mong ate na si Selena,” malambing ang tono kay Nessa pero may bahid ng pangungutya kay Selena.“Syempre naman, Dad. Kahit ano gagawin ko para sa pamilya natin,” masayang saad ni Nessa, pero ang tunay na dahilan ng kanyang kasiyahan ay ang maaaring sapitin ni Selena sa kamay ni Nigel Giordano.“Napakaswerte ko dahil may anak akong kagaya mo,” ani Ricardo sabay yakap kay Nessa, punung-puno ng pagmamalaki at kagalakan.“Tara na’t pumasok na tayo. Ang ginaw dito sa labas,” aya ni Nadine.Natutuwa rin si Nadine, dahil kitang-kita niyang tuwang-tuwa si Ricardo kay Nessa at higit sa lahat, wala na silang problema sa utang.“Bukas lumabas tayo para kumain sa restaurant,” masiglang mungkahi ni Ricardo habang papasok sa bahay, hawak-hawak pa rin ang limpak-limpak na pera na ibinigay ng tauhan ni Nigel at binibilang ito h

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status