Inobserbahan ni Eve ang magulong mesa, ang mantsang kape sa damit at pantalon ni Axel. Biglang may sumagi sa isip niya kung paano nagsimula ang lahat.“Kuya Axel… ipaliwanag mo agad ang lahat kay Selena. Buntis siya. Ayoko may mangyaring masama sa mga pamangkin ko,” malungkot niyang paalala. Matapos ay umalis na siya ng opisina.Naiwan si Axel. Pagkatapos linisin ang mesa, naupo siya sa swivel chair at humarap sa floor-to-ceiling na salamin. Tahimik niyang pinagmasdan ang syudad, habang pinipisil ang sentido. Wala nang ibang gumugulo sa isip niya kundi ang masakit na eksenang naabutan ni Selena.Sa kabilang banda...Sa maingay, puno ng tao, at abalang kalsada, naglalakad si Selena. Walang direksyon ang patutunguhan, hinayaan ang kanyang mga paa na dalhin siya sa kung saan.Blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha, ngunit patuloy na tumutulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Alam niyang walang pagmamahal sa pagitan nila ni Axel… pero bakit labis siyang nasasaktan at lumuluha? Nais
Last Updated : 2025-05-28 Read more