Sa isang iglap, may pilyang ideya ang pumasok sa isip niya. Mabilis na gumuhit ang munting ngisi sa kanyang mga labi.Sa kunwaring 'di sinasadyang kilos, bahagyang inabot ng siko niya ang baso. Tumaob ito at tumilapon ang kape, tumilamsik sa mesa, sa mga papeles, at higit sa lahat, sa damit at pantalon ni Axel.“Ahh! Axel! Hala!” sigaw niya na parang gulat na gulat. “Hindi ko sinasadya!”Dali-dali siyang yumuko, kunwaring natataranta. “Pasensiya na, Axel. Promise, hindi ko talaga sinasadya. Nagkamali lang ako ng galaw.”Kumunot ang noo ni Axel, nabigla sa pangyayari. Gusto sana niyang makaiwas pero huli na, natapunan na siya. Kukuha na sana siya ng tissue, pero naunahan siya ni Heather. Hinablot nito ang tissue box, lumuhod, at mabilis na pinunasan ang basang parte ng kanyang pantalon.Mabilis na gumalaw ang mga kamay ni Heather, pinupunasan ang basang parte ng pantalon ni Axel. Ngunit nang akmang iiwas na si Axel, biglang humawak si Heather sa kanyang hita. Mahigpit, parang ayaw siya
Last Updated : 2025-05-27 Read more