Pag-uwi nila ni Trisha bandang hapon, mabigat pa rin ang isip ni Tiffany. Binibilang niya ang kita ng araw na iyon habang nakasakay ng jeep pauwi ng kanilang bahay. “Mom, gusto ko po ‘yung bulaklak kanina, ‘yung may white petals. Ang ganda po!” wika ng kanyang anak at nang maalala kung ano ang bulaklak na ito ay ngumiti siya. “Lilies ‘yun, anak. Symbol of purity.” “Pure? Purity? Ano pong ibig sabihin mommy?” Hinaplos niya ang kamay ng kanyang anak at tiningnan niya ito sa kanyang mga mata. “Malinis... ‘yung walang kasinungalingan, anak.” Naalala man niya ang kahapon sa dating asawa pero ngayon ay hindi na umasa si Tiffany na mauulit muli ang nakaraan. “Mommy, bakit po kayo malungkot?” tanong ni Trisha na makita ang kanyang ina na mukhang malungkot. Ngumiti si Tiffany kahit namumuo na ang luha sa mata. “Wala, anak. Napagod lang si Mama sa mag-hapon n trabaho, don't worry I'm okay naman basta magkasama tayong dalawa anak, .”Tumango naman ang kanyang anak kahit hindi masya
Terakhir Diperbarui : 2025-11-17 Baca selengkapnya