A Contract Sealed With My Ex-Husband Half Brother

A Contract Sealed With My Ex-Husband Half Brother

last updateLast Updated : 2025-04-12
By:  LuckyRose25 Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
5Chapters
86views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Ang akala mo mala-fairytale ang kanyang buhay kasama ang lalaki na pinakasalan niya ngunit nagkamali siya na matuklasan ni Tiffany Gonzales ang pagtataksil ng kanyang asawa kaya hiniling nito ang kalayaan. Pagkatapos malagdaan ang divorce paper ay focus lamang si Tiffany sa kanyang anak. Ngunit sa hindi inaasahan ay nagkasakit ang kanyang anak kaya nakilala niya si Gabiano Silverano. Kapalit ng tulong ng binata ay kailangan niyang magpakasal sa kanya. Pumayag si Tiffany sa alok ng lalaki para sa kanyang anak. Ngunit may natuklasan siya sa pagkatao ni Gabiano. Ano kaya ang magiging kapalaran ng mag-ina sa kamay ng pamilyang Silverano? Isa kayang mala-fairytale o magulong mundo?

View More

Chapter 1

CHAPTER 01

CHAPTER 01

Ramdam na ramdam ni Tiffany ang butil ng luha sa kanyang mga mata na gusto nang makawala pero pinigilan niya ito dahil sa kadahilanan na ayaw niyang ipakita sa kanyang asawa na hindi niya ito pipigilan sa pagpirma ng annulment paper at kayang-kaya at tanggap niya na ang kapalaran nilang dalawa ay hanggang dito na lang talaga nagtatapos ang kanilang pagsasama. Na hindi na sila mag-asawa hanggang sa pagtanda.

Kung noon ay pumirma silang dalawa sa papel sa araw ng kanilang kasal na kung saan palatandaan na mag-asawa na silang dalawa, nangako sa harap ng altar na siya lang ang natatanging iibigin hanggang sa pagtanda pero ngayon….lahat ng mga pangarap na magkasama silang dalawa ay biglang naglaho sa isang iglap lamang. Kung noon, pangalan nila ang nakaukit sa papel para maging ganap na mag-asawa, ngayon ay ang panahon na kung saan nilagdaan ang huling lagda nilang dalawa at mag-iwan ito ng sugat dahil sa mga pangako na napako lamang ng pitong taon.

Hindi maisip ni Tiffany na lolokohin lamang siya ng kanyang asawa na si Martin. Sa pitong taon na magkasama ay nauwi lamang sa pagtataksil ang lahat na malaman ni Tiffany na may ibang babae ang kanyang asawa. Hindi lang isa, dalawa o higit pa kundi marami sila. Indeed, he is a womanizer, a freaking playboy na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago.

Pagkatapos niyang pirmahan ang papel sa ibabaw ng mesa ay basta na lang tinapon ni Martin ang ballpen sa harapan nito.

“Do you think na makahanap ka pa rin ng iba kapag pinirmahan mo iyan?” May nakaka-insultong ngiti ang nakikita ni Tiffany sa labi ng kanyang asawa.

Nakikinig lamang sa kanila ang abogado na nakikinig at hinayaan na mag-usap ang dalawa.

Hindi mawari ng abogado na magkakahiwalay ang dalawang mag-asawa sa harapan niya. Naging magkaibigan niya ang dalawa ngunit ito siya at naging witness sa hiwalayan ng mag-asawa.

“Walang nagkakagusto sa'yo, tandaan mo iyan. Walang tatanggap sa'yo, mark my word Tiffany. Kung nagmamakaawa ka na bumalik ka sa akin, tatanggapin kita pero sa isang condition, magiging babae lamang kita habang buhay." aniya na may pang-iinaulto.

Akala niya ba na habol ni Tiffany ang mga lalaki? So what kung wala nang magkagusto sa kanya. Wala siyang pakialam.

Ang priority niya ngayon ay ang kanyang anak at wala ng iba. Mapupunta sa kanya ang kustodiya ng bata dahil five years old palang ito at kahit papano ay may saving siyang sa kanyang bank account at may trabaho siya pero pagkatapos ng hiwalayan ay maghahanap ng ibang trabaho si Tiffany para hindi niya na makikita kung sino-sino ang naging babae ng asawa niya sa dating niyang workplace. Sa ginawa niyang panloloko kay Tiffany ay may alas siya para mapa sa kanya si Trisha.

Kahit nagtatrabaho ang kanyang asawa sa isang malaking company at malaki ang kinikita ay wala siyang pakialam, hindi siya hihingi kahit ilang sintemo sa kanya. Kaya niyang buhatin at buhayin ang kanyang nag-iisang anak na si Trisha. Kung magbibigay siya ay mabuti, kung hindi ay hindi niya ito pipilitin kaysa naman ipamungka sa kanya kung gaano siya kasamang ama sa anak niya.

Magkasama silang nanumpa sa harapan ng simbahan at pinirmahan ang papel pero hanggang dito na lang talaga.

Kinuha niya ang papel at ballpen na tinapon ni Martin sa harapan niya at taas noong nakatingin sa lalaki para ipakita sa kanya na wala na siyang inaatrasan, walang panghihinayang, kayang-kaya niyang makipaghiwalay sa kanya.

Kapag naging toxic na Ang isang relasyon at wala nang pag-asa na magbago, mananatili ka pa rin ba? Mas mabuti na ang maghiwalay kaysa araw-araw kang magdusa na kasama mo ang tao sa iisang bubong na minahal mo pero ikaw lang ang nagbigay ng halaga at pagmamahal.

“Kung araw at gabi naman akong umiiyak nang dahil sa’yo, sa tingin ko, tama lang ang naging desisyon ko. Hindi madali sa totoo lang Martin, hindi ito ang pinangarap ko para sa ating dalawa. Hindi ito ang mundo na binuo natin noong nangako tayong dalawa sa altar, remember? Pero…wala eh. Nangako ka sa akin na magbabago ka na, na ako lang…pero anong ginawa amo? Sa harapan ng anak natin, kitang-kita niya ang babae mo! Sa harapan ng anak natin, pinaparanas mo na sa kanya ang isang walang kwenta na ama. Ayos lang kung ako lang ang masasaktan pero hindi eh, kasama na ang anak natin. Wala kang konsensya. Wala kang puso Martin.” natigilan si Martin sa sinabi ni Tiffany.

May gustong sabihin pero bigla niya na

lang tinikom ang kanyang bibig at hindi na sinabi ang gustong lumabas sa mga bibig niya at kalaunan ay may insultong tingin ang tao na ito sa kanya.

“Madali ka kasing mauto eh, ngayon ay nagsisisi ka dahil sa ginawa ko? Alam mo na sa simula palang na ganito na ako, tsk, ang bilis mo namang mahulog sa bitag at–shit.” Hindi niya na natapos ang sasabihin na bigla na lang siyang sinampal ni Tiffany.

When he tried to raise her hand to her ay biglang umatras si Tiffany, hindi makapaniwala na kaya niya talaga siyang saktan.

Hindi siya sinasaktan physically ni Martin sa anim na taon nila na pagsasama, naranasan niya lang for the first time ngayong taon noong inaway ni Tiffany ang babae ni Martin na pumunta sa bahay at hinahanap siya, sinaktan niya ang anak namin na hindi sumagot kung nasaan ang asawa niya, kaya imbes na ang ipagtanggol niya siya at anak nila ay siya pa ang pinagbuhatan ng kamay, kaya masakit isipin na kayang-kaya niyang gawin ang mga bagay na ayaw maranasan ng isang babae, ang saktan siya physically, noon ay ayos naman, nag-aaway ngunit hindi dumaan sa pisikal na sakitan kundi pinapakita niya mismo emotionally ang mga panloloko niya, pero ngayon na hiwalay na sila ay gustong-gusto niya itong saktan na hindi na nag-iisip.

Mabuti na lang at nariyan ang kanilang abogado dahil kung wala, baka dumapo na ang kamay niya sa mukha ni Tiffany.

“Bakit ka ganyan, huh? Naging mabuti naman akong asawa sa'yo pero ibang-iba ka na talaga. Mas lalo lang naging malala. Sasaktan mo ako gamit ng mga kamay mo? Gawin mo? Baka sa kulungan ang bagsak mo!” mariin at may galit na sinabi ni Tiffany sa kanya. Alam niya na may mga cctv na nakamasid sa buong bahay lalo at nasa sala sila pumirma ng mga papeles.

Mariin ang titig ni Martin Kay Tiffany. Tinapatan naman niya ito ng titig at hindi pinakita na natatakot siya at kinakabahan sa lalaking kaharap niya.

“May sasabihin ka pa?” tanong ni Tiffany at kinuha ang papel pagkatapos malagdaan ng pangalan at nilagay sa isang brown envelope, natatakot siya na baka biglang agawin ni Martin ang papel at punitin.

“Baka magulat ka kapag malaman mo ang totoo!” Aniya kay Tiffany. Kunot-noo na binalingan siya at nagtatanong ang kanyang mga mata kung ano ang ibig niyang sabihin. Kalaunan , natawa na lamang siya at pinagtitigan ang kanyang ang kanyang asawa na ngayon ay ex-husband niya na.

“Na ano? Na mas higit pa sa lima ang naging kabit mo?” Nakita ni Tiffany ang gulat sa kanyang mga mata, nalaman niya kasi ito na marami sila sa buhay ni Martin dahil may nagsumbong sa kanya na kaibigan.

Ngunit bigla na lang natigilan si Tiffany na tumawa ang lalaki.

“Sa ganyang rason ba ang naging batayan mo kung bakit ako nambabae? Paano kung sabihin ko sa'yo na ang totoong rason, ano kaya ang magiging reaction mo? What if…what if ang kasal natin ay isang pagkakamali sa simula pa lamang?” Halos hindi na makahinga sa galit si Tiffany dahil sa sinasabi ni Martin.

Ano kaya ang ibig niyang sabihin? May dahilan ba ang lahat o talagang nagsasawa na siya sa kanya?

Palaisipan pa rin kay Tiffany ang mga sinasabi ng kanyang asawa.

Mariin itong nakatitig sa kanya habang ang kanyang kanang kamay na may hawak ng ballpen ay sinimulan niya ng pirmahan ang divorce paper.

“Kung ano man ‘yang dahilan mo, hindi mo na maibabalik pa ang tiwala at buong pagmamahal ko sa'yo. Hindi ako isang babae na kayang-kanya mo lang saktan dahil mahina ako at walang laban? Diyan ka nagkakamali dahil papatunayan ko sa'yo na kaya kong buhayin si Trisha na mag-isa. Kung naging bulag man ako noon, sorry ka na lang, palaban na ito at hindi duwag sa katotohanan.” Matapang na wika ni Tiffany kahit sa kaloob-looban niya ay wasak na wasak na siya para sa kanyang anak.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Alas Gatacelo
Pa update dn po nito author ang ganda
2025-05-20 11:53:57
0
user avatar
LuckyRose25
hehe, wait lang po dito mga beh ......
2025-04-21 11:22:46
0
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status