Share

CHAPTER 46

Author: Kaye Elle
last update Last Updated: 2025-06-12 22:54:09
“NAUBOS ba niya?” Tanong ni Manang Lita.

Kasalukuyan kong tinatanaw ang papaalis na sasakyan ni Darius habang sinara naman ni Manang Lita ang gate. Si Mang Martin sana ang taga-sara niyan kaso siya ang nag-drive kay Darius patungo sa kompanya nito, kaya heto, at si Manang Lita muna ang nagsara.

Bigla kong naisip ang babaeng pumunta rito kagabi. Sino kaya ‘yun? Kilala kaya siya ni Mang Martin? Kasi… bakit niya pinapasok ito agad sa loob ng bakuran nang hindi man lang humingi ng pahintulot kay Darius?

Si Darius ang hinahanap niya kagabi. Sino kaya siya? Ano ang ugnayan niya sa asawa ko?

Kakausapin ko si Martin at baka kilala niya ang babaeng ‘yun. Pero saka ko na siya kausapin kapag may sapat na oras na ako.

Mamaya pagbalik ni Martin, baka kakausapin ko siya. Basta, kapag may sapat na oras lang ako.

‘Baka kamag-anak.’ Komento ng isang bahagi ng aking isipan.

Siguro nga.

“Opo,” sagot ko naman.

“HIndi ba siya galit?” tanong nito.

Umiling lang ako. “Hindi naman po manang,”

Bahagyang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jan Esguerra
ms ala pa po update
goodnovel comment avatar
Jad Khen Salaysay Marcelo
P update nmn po plz
goodnovel comment avatar
Jan Esguerra
update po Ms A pls...️
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 52

    Habang papasok kami sa loob ng venue, hindi ko maiwasan ang kabahan. Nakahawak lamang ako sa braso ni Darius. Lahat ng mga mata ay nakatuon lamang sa aming dalawa, kasabay no’n ay ang mga bulong-bulungan.Pinilit kong huwag sila bigyan ng pansin pero hindi talaga maalis sa isipan ko ang mga imahinasyon na baka hindi ako tanggap ng mga tao rito. Masyado silang marangya, at ang mga kasuotan ay lahat maganda at bongga kung tingnan.“Are you alright?” naririnig kong tanong ni Darius. “Don’t forget about what we talked about earlier. Alright? It’s for your own good.” Pagpapaalala niya.Sabi kasi niya kanina na kailangan kong magpanggap na buntis dahil ‘yun ang sinabi niya sa buo niyang pamilya. Hindi na ako magtataka kung sinabi na ni Darius sa kanila ang tungkol sa akin. Baka nga, noong unang araw ng kasal pa niya sinabi ang tungkol sa akin. Nararamdaman ko ang marahan niyang paghawak sa mga kamay ko. Habang papalapit kami sa mesa, isang grupo ng mga babae at lalaki ang sumalubong sa am

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 51

    Kinabukasan, hindi ko kayang tingnan sa mukha si Darius. Dahil paulit-ulit sa utak ko ang tanong ko sa kanya noong nakaraan. Hanggang ngayon ay parang sariwa pa rin sa utak ko ang tanong na ‘yun. “Darius, gusto mo ba ako?” Parang gusto ko na lang takpan ng unan ang mukha ko. Sa tuwing nakaharap ko siya sa hapagkainan, parang gusto ko na lang magsuot ng mask para hindi niya ako makilala. Ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko talaga!“Phoebe! Maawa ka naman sa manok. It's dead and fried already. But it seems like you want to triple kill it.” Komento nito. Napatingin naman agad ako sa manok na nasa plato ko. Nakatusok rito ang tinidor at… mahigpit ang pagkakahawak ko sa tinidor. Hala!“S–Sorry,” “What's wrong with you?” Tanong nito na para bang wala lang sa kanya ang tanong ko noong nakaraan.“W—Wala.” tanging sagot ko sa kanya. “Eat some, dahil may pupuntahan tayo. We're gonna buy you a dress and a lot of accessories.”Nagtataka akong tumingin sa kanya. “Para saan? May pupuntahan ba

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 50

    Darius' POV“WHAT work did you give her?” ito ang tanong sa akin ni Kael isang umaga. “I just want her to be by my side.” Sabi ko.“Tinamaan ka na ba sa alindog niya?” I glared at him. Tinawanan lang ako ng gago.I was planning to keep her by my side. And, I thought I could keep her by my side forever, inside the office, forever. But I was wrong. She told me that she wanted to attend physical classes and I couldn’t just say ‘no’. Pinayagan ko siya na bumalik, pero sa isang kondisyon. She must fight for herself.I can’t help but laugh at myself. Nagawa na niya akong pasunurin. It was like she had been taking control over me. I was wondering… when did it start?I never thought I could be good at her, after everything… after what I’ve been through. “Are you planning on keeping her forever?” Kael asked.Hindi ako sumagot.I’m used to having her presence. That scared reaction she shows whenever I’m mad. I’m used to it. And she’s the only one who never runs away when I’m mad. That mome

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 49

    “D–DARIUS!” tawag ko nang naramdaman ko ang mga paghalik niya sa aking leeg. Maya-maya lang ay bigla na lang niyang tinanggal ang suot ko.Nagkatitigan kaming dalawa at hindi nakatakas sa akin ang galit sa kanyang mga mata.“It’s very clear that you avoided me! At malalaman ko na lang na sa iba ka na pala sumasakay?!”“Ano’ng—”“Don't you deny it! Because I saw it with my two eyes!” Sabi niya. “I was there waiting for you, only to find you riding in someone else's car. Sa kaibigan ko pa talaga, Phoebe? Tell me, do you like him?!” mariin niyang tanong. Kung ganun… maaga rin siyang naroon para sunduin ako? Hindi ako makapaniwala.“H—Hindi!” Mabilis kong sabi. Naaalala ko ang sinabi ni manang sa akin tungkol kay Janine. Mas pinili nga pala nito ang kaibigan ni Darius kaysa kay Darius mismo. Bigla tuloy akong nagsisisi sa ginawa kong pag-iwas. “Then, why? Why'd you choose to be with him?”“Kasi… kasi…” gusto kitang layuan. Dahil alam kong balewala na ako sa’yo gayong bumabalik na ang

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 48

    Kinabukasan. Maaga akong gumising at ipinaghanda muli ng pagkain si Darius. Maaga rin akong naligo at nauna na rin akong kumain. Hindi ako nakatulog ng maayos ngunit maaga pa rin akong gumising dahil ayaw kong magkatagpo ang landas naming dalawa ng asawa ko. Wala lang, parang gusto ko lang lumayo habang maaga pa. Naisip ko lang kasi na asawa niya lang naman ako sa papel kaya mas mabuting maaga pa lang, lumayo na ako. Oo lalayuan ko siya para hindi ako masyadong ma-attach. Ngayong gusto siyang kausapin ni Janine, may kutob ako na gusto siyang bumalik sa buhay ni Darius. Anumang oras ay pwede niya na akong palayasin–kami ni Quila. Wala akong laban doon dahil unang pag-ibig, eh. Habang ako ay pangalawang option lang, tapos hindi pa mahal. Saklap! Pinaghanda ko na rin pala siya ng suit na susuotin sa trabaho at tapos ko na rin ‘yun plantsahin. Pagkatapos kong kumain at lahat-lahat ay agad akong lumabas ng bahay para puntahan si Manong Martin. Nagpahatid na ako sa kanya sa Unibersida

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 47

    “I SAID, what are you doing here?!” tanong ulit ni Darius. Bigla akong kinikilabutan sa klase ng pagbanggit niya sa mga katagang ‘yun. Bigla siyang naging tunog demonyo. “Leave,” dagdag pang sabi niya sa babae. Gusto kong magsalita pero walang lumabas na salita mula sa aking bibig. “D–Darius, I need to talk to you.” Sabi ng babae. Nang tingnan ko si Darius, kitang-kitang ko kung paano gumalaw ang kanyang panga. Parang ako ang kinakabahan sa klase ng mga titig niya. Parang anumang oras ay kakain siya ng tao.Ngayon ko lang siya nakitang ganito kung magalit. Oo iba siya kung magalit dahil nagmumukha siyang isang tigre. Pero ngayon, nagmumukha siyang halimaw. “Go to our room, Phoebe!” Striktong saad nito. “Pero—”“I said, go to our room!” Singhal niya. “Darius, wait! I wanna talk—” Hindi agad siya natapos sa pagsasalita dahil agad na nagsalita si Darius. Sino ba itong babaeng ‘to?“Don't ever come back here, Janine! I don't want to see you again!” Sabi nito.Janine?Sino si Janine?

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status