LOGINMakalipas ang halos dalawampung minuto ay dumating ang mga pulis sa unit ni Aviannah. Agad nilang nilagyan ng police tape ang harapan ng unit at sinimulang suriin ang buong lugar. Isa-isang kinuhanan ng litrato ang mga sirang gamit, ang basag na salamin, ang nakabukas na mga drawer, at ang mga punit na sketch at design boards.
Tahimik lamang na nakatayo si Alfred sa may pinto habang pinagmamasdan ang mga pulis na abala sa pag-iimbestiga. Habang si Aviannah ay malakas pa rin ang bawat p
Anim na araw ang matulin na lumipas. Sabay na lumabas sin Aviannah at Andrei sa hospital. Tinanggal na rin ng doctor ang benda ni Andrei, habang si Aviannah naman ay mabagal at maingat pa rin sa paglalakad dahil nagre-recover pa siya.Nang dahil sa mga nangyari ay napagdesisyunan ni Ark na iuwi na ng Manila si Aviannah. Iyon ang pinakamabuti at ligtas para dito. Tungkol naman sa trabaho ni Aviannah, ang designer niyang si Ruffa, na kasulukyang nasa Manila, ngunit pabyahe na rin ng Mindoro, ang magtutuloy no’n habang nagpapagaling pa siya. Kasama nito ang sales assistant na si Nimfa.“Kinakailangan muna nating dumaan sa prisinto bago tayo magtungo sa Calapan Port,” pagkuwan ay sabi ni Ark.Sandaling natigilan naman si Aviannah dahil doon.“Ija, handa ka na bang harapin ang taong iyon?” marahang tanong ni Cristy.Hindi kaagad nakasagot si Aviannah kaya naman muling nagsalita si Ark. “Anak, huwag kang mag-alala dahi
Umawang ang mga labi ni Aviannah nang mabilis siyang sinaksak ng lalaki. Sa pagwawala at pagpupumilit kasi ni Alfred mula sa labas ay tumama ang kutsilyo sa tagiliran ni Aviannah. Napamura pa ang lalaki dahil plano nitong puruhan si Aviannah, pero nang uundayan nito muli ng saksak si Aviannah, ay mabilis na lumabas sina Jamie at Sandra mula sa silid.“Aviannah!” malakas na sigaw ni Sandra, habang si Jamie naman ay mabilis na kinuha ang nahawakang figurine, saka iyon binato sa lalaki.Muling napamura ang lalaki ngunit sa pagkataranta ay mabilis na lamang ito tumakbo patungo sa bintana, saka roon pilit na tumakas.Mabilis na nilapitan ni Sandra si Aviannah na ngayon ay nakaupo at nakahawak sa sariling tagiliran, habang unti-unting nababasa ng dugo ang suot nitong puting blouse.“Avie! Avie!” natatarantang sigaw ni Sandra. Maya-maya pa’y sa tulong ng security sa apartment, ay nabuksan ni Alfred ang pinto kaya nagmamadali itong pumasok sa loob.“Aviannah!” sigaw ni Alfred nang makita ang
“Bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat ng ito?” matigas ngunit kalmadong tanong ni Ark kay Aviannah habang nasa loob silang dalawa ng pribadong silid sa police station.Hindi makasagot si Aviannah dahil hindi niya alam ang sasabihin sa ama. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin siya dahil sa tindi ng takot at kaba na nararamdaman, matapos niyang makita ang kuha ng CCTV footage sa tapat ng unit niya.Hindi man niya nakita nang malinaw ang mukha ng lalaki, ay siguradong-sigurado naman siya na ito ang lalaking nagtangkang pumatay sa kanya noon sa Palawan.Hanggang ngayon, hindi niya pa rin naman alam ang motibo ng lalaki na iyon. Wala siyang ideya kung sino ang taong nag-utos dito na patayin siya. Sa tagal ng panahon, pilit na rin naman niyang binaon sa limot ang lahat ng nangyari na iyon noon. Inisip na lang din niyang baka napagkamalan lamang siya ng lalaki, dahil pagkatapos naman no’n ay hindi na ito bumalik pa sa kanya. Ngayon na lang ulit. P
Makalipas ang halos dalawampung minuto ay dumating ang mga pulis sa unit ni Aviannah. Agad nilang nilagyan ng police tape ang harapan ng unit at sinimulang suriin ang buong lugar. Isa-isang kinuhanan ng litrato ang mga sirang gamit, ang basag na salamin, ang nakabukas na mga drawer, at ang mga punit na sketch at design boards.Tahimik lamang na nakatayo si Alfred sa may pinto habang pinagmamasdan ang mga pulis na abala sa pag-iimbestiga. Habang si Aviannah ay malakas pa rin ang bawat pagkabog ng dibdib dahil sa takot.“Avie!” Mabilis na napalingon sina Aviannah at Alfred sa nagmamay-ari ng boses na iyon. At natanaw nila sina Jamie at Sandra na nagmamadali sa paglalakad palapit sa kanila.“Avie! Are you alright?” alalang tanong ni Sandra pagkalapit nito sa kanila.Marahang tumango si Aviannah. “Ayos lang ako.”“Tinawagan ko sila, mas mabuti kung sa kanila ka muna tutuloy pansamantala,” wika ni Alfred k
Nagmistulang magulo ang buong emergency room nang dalhin si Andrei sa ospital. Sunod-sunod ang utos ng mga nurse at doktor habang mabilis na itinutulak ang stretcher papasok sa treatment area ng emergency room. Halos hindi makahinga si Aviannah habang nakasunod sa mga ito. Nanginginig pa rin ang mga kamay niya dahil sa nangyari.Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang tunog ng preno, ang malakas na sigaw ng mga tao sa paligid, at ang katawan ni Andrei na yumakap sa kaniya upang ilayo siya sa sasakyang muntik nang kumitil sa kanilang buhay.“Sorry, ma’am, sir, hanggang dito lang po kayo.”Napahinto sina Aviannah nang harangin sila ng isang nurse sa entrance ng treatment area.“No, I want to see my son,” nanginginig na usal ni Cristy sa tabi ni Aviannah.Mabilis kasing tinawagan ni Aviannah ang daddy niya na noo’y nasa loob lamang ng nilabasan nila ni Andrei na restaurant. At bago pa man dumating ang ambulansya k
Tahimik na bumaba si Aviannah mula sa sasakyan at huminto sa harap ng isang eleganteng restaurant sa Calapan City. Humugot siya ng malalim na paghinga bago tuluyang pumasok sa loob.Agad siyang sinalubong ng isang waitress at iginiya patungo sa isang private dining room.Pagdating sa loob ay agad niyang nakita ang kanyang ama sa mahabang mesa. Katabi nito ang kanyang madrasta na si Cristy, ang ina ng lalaking minamahal niya na si Andrei. Kasama ng mga ito ang mga magulang ni Alfred.“Aviannah…” marahang tawag ng kanyang ama sa kanya.Hinanap ng mga mata niya si Alfred pero wala ito roon.“Nasaan po si Alfred?” tanong niya. Inaasahan niyang narito na ang lalaki dahil nag-message siya kanina rito.“Papunta na siya, ija,” nakangiting tugon ni Mrs. Guden sa kanya.“Maupo ka na, anak,” sabi pa ng kanyang ama kaya naman kumilos na siya at naupo sa harap ng kanyang ama.Nakahain n
“Dahil seryoso akong… ayaw ko na siyang makita pa kahit na kailan.”Paulit-ulit sa isipan ni Aviannah ang mga huling salitang sinabi niya sa kaibigang si Sandra, nang kausap niya ito kanina sa kanyang cellphone. Desidido naman talaga siya at seryoso siyang ayaw na niyang makita pang muli si Andrei.
“Sino ba naman kasi ang nagsabi sa’yong magpakalasing ka ng ganoon? Birthday iyon ng kaibigan mong si Sandra, pero ang ending ay namroblema pa siya sa inyo kung paano kayo iuuwi. Pinag-alaga at pinag-alala niyo pa siya sa inyo.”Marahang paulit-ulit na hinihilot ni Aviannah ang magkabilang sentido
“I love it! I really really love it! Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa’yo. Napakaganda ng kinalabasan ng design mo para sa’kin!” masayang puri ng magandang babae kay Aviannah habang hawak-hawak nito ang sketchbook na may wedding dress na iginuhit niya para dito.Nang matapos sa pag-aaral si
Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Aviannah habang tahimik siyang nakaupo at naghihintay sa sasabihin ng kanyang ama sa kanya. Sa muling pagkakataon kasi ay sinabayan siya nito sa pagkain, bagay na ginagawa lamang nito kapag may importante itong sasabihin sa kanya.“Magpapakasal na kami ng Tita Cris







