Share

Chapter 95:

last update publish date: 2026-08-06 20:00:52

“Bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat ng ito?” matigas ngunit kalmadong tanong ni Ark kay Aviannah habang nasa loob silang dalawa ng pribadong silid sa police station.

Hindi makasagot si Aviannah dahil hindi niya alam ang sasabihin sa ama. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin siya dahil sa tindi ng takot at kaba na nararamdaman, matapos niyang makita ang kuha ng CCTV footage sa tapat ng unit niya.

Hindi man niya nakita nang malinaw ang mukha ng lalaki, ay sigurado

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Too Wrong to Love   Chapter 97:

    Anim na araw ang matulin na lumipas. Sabay na lumabas sin Aviannah at Andrei sa hospital. Tinanggal na rin ng doctor ang benda ni Andrei, habang si Aviannah naman ay mabagal at maingat pa rin sa paglalakad dahil nagre-recover pa siya.Nang dahil sa mga nangyari ay napagdesisyunan ni Ark na iuwi na ng Manila si Aviannah. Iyon ang pinakamabuti at ligtas para dito. Tungkol naman sa trabaho ni Aviannah, ang designer niyang si Ruffa, na kasulukyang nasa Manila, ngunit pabyahe na rin ng Mindoro, ang magtutuloy no’n habang nagpapagaling pa siya. Kasama nito ang sales assistant na si Nimfa.“Kinakailangan muna nating dumaan sa prisinto bago tayo magtungo sa Calapan Port,” pagkuwan ay sabi ni Ark.Sandaling natigilan naman si Aviannah dahil doon.“Ija, handa ka na bang harapin ang taong iyon?” marahang tanong ni Cristy.Hindi kaagad nakasagot si Aviannah kaya naman muling nagsalita si Ark. “Anak, huwag kang mag-alala dahi

  • Too Wrong to Love   Chapter 96:

    Umawang ang mga labi ni Aviannah nang mabilis siyang sinaksak ng lalaki. Sa pagwawala at pagpupumilit kasi ni Alfred mula sa labas ay tumama ang kutsilyo sa tagiliran ni Aviannah. Napamura pa ang lalaki dahil plano nitong puruhan si Aviannah, pero nang uundayan nito muli ng saksak si Aviannah, ay mabilis na lumabas sina Jamie at Sandra mula sa silid.“Aviannah!” malakas na sigaw ni Sandra, habang si Jamie naman ay mabilis na kinuha ang nahawakang figurine, saka iyon binato sa lalaki.Muling napamura ang lalaki ngunit sa pagkataranta ay mabilis na lamang ito tumakbo patungo sa bintana, saka roon pilit na tumakas.Mabilis na nilapitan ni Sandra si Aviannah na ngayon ay nakaupo at nakahawak sa sariling tagiliran, habang unti-unting nababasa ng dugo ang suot nitong puting blouse.“Avie! Avie!” natatarantang sigaw ni Sandra. Maya-maya pa’y sa tulong ng security sa apartment, ay nabuksan ni Alfred ang pinto kaya nagmamadali itong pumasok sa loob.“Aviannah!” sigaw ni Alfred nang makita ang

  • Too Wrong to Love   Chapter 95:

    “Bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat ng ito?” matigas ngunit kalmadong tanong ni Ark kay Aviannah habang nasa loob silang dalawa ng pribadong silid sa police station.Hindi makasagot si Aviannah dahil hindi niya alam ang sasabihin sa ama. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin siya dahil sa tindi ng takot at kaba na nararamdaman, matapos niyang makita ang kuha ng CCTV footage sa tapat ng unit niya.Hindi man niya nakita nang malinaw ang mukha ng lalaki, ay siguradong-sigurado naman siya na ito ang lalaking nagtangkang pumatay sa kanya noon sa Palawan.Hanggang ngayon, hindi niya pa rin naman alam ang motibo ng lalaki na iyon. Wala siyang ideya kung sino ang taong nag-utos dito na patayin siya. Sa tagal ng panahon, pilit na rin naman niyang binaon sa limot ang lahat ng nangyari na iyon noon. Inisip na lang din niyang baka napagkamalan lamang siya ng lalaki, dahil pagkatapos naman no’n ay hindi na ito bumalik pa sa kanya. Ngayon na lang ulit. P

  • Too Wrong to Love   Chapter 94:

    Makalipas ang halos dalawampung minuto ay dumating ang mga pulis sa unit ni Aviannah. Agad nilang nilagyan ng police tape ang harapan ng unit at sinimulang suriin ang buong lugar. Isa-isang kinuhanan ng litrato ang mga sirang gamit, ang basag na salamin, ang nakabukas na mga drawer, at ang mga punit na sketch at design boards.Tahimik lamang na nakatayo si Alfred sa may pinto habang pinagmamasdan ang mga pulis na abala sa pag-iimbestiga. Habang si Aviannah ay malakas pa rin ang bawat pagkabog ng dibdib dahil sa takot.“Avie!” Mabilis na napalingon sina Aviannah at Alfred sa nagmamay-ari ng boses na iyon. At natanaw nila sina Jamie at Sandra na nagmamadali sa paglalakad palapit sa kanila.“Avie! Are you alright?” alalang tanong ni Sandra pagkalapit nito sa kanila.Marahang tumango si Aviannah. “Ayos lang ako.”“Tinawagan ko sila, mas mabuti kung sa kanila ka muna tutuloy pansamantala,” wika ni Alfred k

  • Too Wrong to Love   Chapter 93:

    Nagmistulang magulo ang buong emergency room nang dalhin si Andrei sa ospital. Sunod-sunod ang utos ng mga nurse at doktor habang mabilis na itinutulak ang stretcher papasok sa treatment area ng emergency room. Halos hindi makahinga si Aviannah habang nakasunod sa mga ito. Nanginginig pa rin ang mga kamay niya dahil sa nangyari.Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang tunog ng preno, ang malakas na sigaw ng mga tao sa paligid, at ang katawan ni Andrei na yumakap sa kaniya upang ilayo siya sa sasakyang muntik nang kumitil sa kanilang buhay.“Sorry, ma’am, sir, hanggang dito lang po kayo.”Napahinto sina Aviannah nang harangin sila ng isang nurse sa entrance ng treatment area.“No, I want to see my son,” nanginginig na usal ni Cristy sa tabi ni Aviannah.Mabilis kasing tinawagan ni Aviannah ang daddy niya na noo’y nasa loob lamang ng nilabasan nila ni Andrei na restaurant. At bago pa man dumating ang ambulansya k

  • Too Wrong to Love   Chapter 92:

    Tahimik na bumaba si Aviannah mula sa sasakyan at huminto sa harap ng isang eleganteng restaurant sa Calapan City. Humugot siya ng malalim na paghinga bago tuluyang pumasok sa loob.Agad siyang sinalubong ng isang waitress at iginiya patungo sa isang private dining room.Pagdating sa loob ay agad niyang nakita ang kanyang ama sa mahabang mesa. Katabi nito ang kanyang madrasta na si Cristy, ang ina ng lalaking minamahal niya na si Andrei. Kasama ng mga ito ang mga magulang ni Alfred.“Aviannah…” marahang tawag ng kanyang ama sa kanya.Hinanap ng mga mata niya si Alfred pero wala ito roon.“Nasaan po si Alfred?” tanong niya. Inaasahan niyang narito na ang lalaki dahil nag-message siya kanina rito.“Papunta na siya, ija,” nakangiting tugon ni Mrs. Guden sa kanya.“Maupo ka na, anak,” sabi pa ng kanyang ama kaya naman kumilos na siya at naupo sa harap ng kanyang ama.Nakahain n

  • Too Wrong to Love   Chapter 29:

    Maagang nagising ang diwa ni Aviannah dahil sa maingay na pagtilaok ng mga manok. Saka niya nakangiting marahang iminulat ang mga mata. Hindi niya alam kung bakit kahit na napuyat siya ay napakagaan pa rin at napakaganda pa rin ng gising niya.“Good morning, Ate Belle!” nakangiting bungad sa kanya

  • Too Wrong to Love   Chapter 6:

    “Oh, Aviannah, mabuti at narito ka na.”“Hi, Yaya!” nakangiting bati ni Aviannah pagkapasok nito ng gate ng kanilang mansyon.Sinulyapan naman ni Vangie ang magarang sasakyan sa labas na siyang naghatid pauwi sa alaga niya. “Sino iyong naghatid sa iyo?” tanong ni Vangie kay Aviannah habang sinusund

  • Too Wrong to Love   Chapter 5:

    Mabilis na hinanap ng mga mata ni Aviannah ang taong kanyang pakay kung bakit siya naririto ngayon sa party ng lalaking kinaiinisan niya. Mula sa kanyang boutique shop kanina ay dumeretsyo na siya rito dahil importante para sa kanya ang deal sa pamilya Zhang. Pinagtrabahuhan nila ng isang buwan ng

  • Too Wrong to Love   Chapter 4:

    Pawisang naupo si Aviannah sa swivel chair ng kanyang maliit na opisina sa kanyang boutique shop. Bukod doon ay habol-habol niya rin ang kanyang paghinga na para bang kagagaling niya lamang sa isang pakikipaglaban.“Ms. Aviannah? Okay lang po ba kayo?”“I’m not okay,” hingal na tugon niya. “Napaka-

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status