CHAPTER 133: RESPONSIBILITY"Tama na, baby. Ang ganda mo na masyado..." bulong ni Vladimir mula sa likuran ko. Yumuko pa siya at niyakap ako mula sa leeg sabay sandal ng mukha niya sa balikat ko. Nanonod kasi siya habang nagmi-make up ako kaya awtimatiko akong napangiti at napahagikgik pa dahil sa kilig.Hinawakan ko ang maskuladong braso niyang nakapalibot sa akin bago ko iyon hinampas nang mahina. "'Wag ka nga d'yan, Vlad! Gusto mo na namang umisa, 'no?" nanunuksong pagtataray ko sa kanya bago ko ibinalik sa lagayan ang make up brush na ginamit ko sa powder blush. S'yempre, kinikilig ako sa puri niya. Pero dapat, cool lang at gusto ko rin siyang asarin."Nah-uh!" mabilis na tanggi niya at lumayo na habang malawak ang ngiti. "I just want to praise how gorgeous you are."Ngumuso ako nang humalakhak siya para tignan ang labi ko sa salamin. "Pero kulang pa sa lips ko, oh! Liner, lipstick at lipgloss pa," pagki-kwento ko sa kanya at binuksan ang drawer ng vanity cabinet ko para kunin ang
Last Updated : 2025-12-21 Read more