CHAPTER 144: BABY "I know... I'll send the report tonight. Give me until midnight. Yeah, Philippine time, ofcourse!" Napakagat-labi ako habang pinapakingggan si Vladimir habang problemado at may kausap siya sa phone niya. Sa kanang braso, buhat niya si River nang nakapahiga at umiiyak. Napatingin ako sa orasan. Alas dies na ng gabi. Nagising ako dahil sa gutom imbes na sa ingay ni River. Pero iyon nga, gising siya at umiiyak na naman. Kailangang patahanin. "Vlad..." tawag ko sa kanya at yumakap agad ako sa bewang niya. Tumiklay pa ako para humalik sa pisgi niya nang makita ang inaantok na mga mata niya. Hinaplos ko ang medyo magulong buhok niya at 'di ko mapigilang ngumuso. Pagod na siya! Kawawa naman 'yong mahal ko! Simula no'ng nakalabas kami sa Hospital, siya lang ang halos nag-alaga kay River. Ako kasi, pinagpapahinga niya lang. Si mama, tumutulong kapag naka-uwi na siya galing sa trabaho. Kami lang tatlo ang halos nandito sa bahay buong araw. Iyong trabaho ni Vladimir, sa
Última actualización : 2026-01-21 Leer más