CHAPTER 135: LAHI"Tara sa Acute Paid Ward," anunsyo ng clinical instructor naming si Ma'am Shiela. Sumunod ako at tumingin sa mga katabi kong ka-grupo na tuwang tuwa. "Yes, 'di na mabaho!" bulong ni Naomi dahilan kaya kumunot ang noo ko. Napaka-arte niya talaga. Nakakainis nga kasi ka-group ko na naman siya. Magkalapit lang ang apilyedo namin. S siya at V ako. At saktong may apat na kaklase namin ang nasa pagitan namin kaya no choice, magka-group na naman kami. "Sana, sa male tayo ma-assign. Baka may artista do'n!" hiling pa niya. Halatang 'di nakikinig! Bawal kami sa Acute Ward.Nagkaroon na kami ng tour noong isang araw sa Charity ward, ang government mismo ang nagbabayad para sa kanila. Nakapunta kami sa mga ward ng mga bata hanggang sa mga matatanda na karamihan, dementia patient. Masasabi kong may malaki ngang kaibahan sa mga kwarto lalo na mga gamit at sa kalinisan.Nandito sa Acute ward 'yong mga bagong admit. Sobrang aggressive daw nila kaya 'di kami pwedeng magtagal rito.
Last Updated : 2025-12-21 Read more