Tahimik ang simbahan. Ang mga ilaw mula sa stained glass ay nagbigay ng makukulay na anino sa marmol na sahig, habang ang musika ng organo ay marahang tumigil. Ang bawat bisita ay nakatutok ang mga tingin sa gitna ng altar, kung saan nakatayo sina Cassian at Ember. Magkahawak-kamay sina Cassian at Ember. Parehong nakangiti. Parehong nag-uumapaw ang pag-ibig sa bawat isa.“Simulan na natin,” nakangiting wika ng pari habang hawak ang Bibliya.Pakiramdam nina Cassian at Ember ay parang wala nang ibang tao sa paligid. Kahit naroon ang mga magulang, kaibigan, at bisita, para bang silang dalawa lang ang umiiral. Sa harap ng Diyos ay parang sila lang ang naroon.“Cassian Syquia,” simulang tanong ng pari, “tinatanggap mo ba si Ember Vergara bilang iyong asawang iibigin at pakakasalan, sa hirap at ginhawa, sa kalusugan at karamdaman, sa lahat ng oras, hanggang sa kamatayan?”Huminga nang malalim si Cassian. “I do. At pangako ko, Ember, hindi na kita bibitawan, anuman ang dumating.”Sa gilid ng
Last Updated : 2025-10-03 Read more