“Kung iniisip mong problema ko ay mga kung sinong nakikilala ko na baka hindi ako narespeto ay nagkakamali ka…” mahina ang boses na wika ni Melanie kay Giancarlo pagkaupo pa lang nila sa sofa na nasa lobby ng hotel. “I need you here for you are the only one I know who could crash a party as you please…” patuloy niya. “And at this moment ay may party tayong pupuntahan kung saan naroon ang kapatid mo at ang kinilala niyang ina na nang-api sa kaniya.” “Kaptid ko?” medyo gulat na turan ni Giancarlo. Tumango si Melanie, “Yes, you heard me right. Ang kapatid mo nga.”“So, you found her?” tanong ni Giancarlo. Pagkaklaro. Years ago, nang mamatay ang ama ay doon lang niya nalaman ang sikreto ng ina. Nag-iisang anak lang siya sa akala niya. Sa ama ay oo iisa lang siya, but in his mother side ay may kapatid pala siya. Nagtaksil ang ina sa ama, noong una ay gusto niyang ikasama ng loob ‘yon. But, reading the diary of his mother, the regret and agony in every word his mother put on her words, do
Dernière mise à jour : 2025-10-01 Read More