“Will you marry me again, asawa ko?” Napatitig si Ember kay Cassian dahil sa tanong nito na hindi nasagot kanina na ibinabalik. Natawa siya ng mahina. Kakalabas lang ng mga Villareals at iyon ang agad nitong naisip sabihin. Nilingon ni Ember sina Melanie, Giancarlo, at Adrian. Lahat sila ay nakikita niya ang saya para sa kaniya. She sighed. “Paano kung hindi ko kayang sagutin agad ang proposal mo?” tanong niya kay Cassian. “Wala ang tatlong importanteng tao na naging bahagi ng buhay ko, Cassian, kaya…” she paused, “kaya parang ang unfair ko sa kanila…” “We will make up to them,” mabilis na wika ni Cassian. “Just answer my proposal at sila na ang susunod kong kakausapin after natin dito,” sinserong pangako ni Cassian. “Gagawin ko ang lahat para matuwa sila sa akin. I promise that your aunts and lola will love me and accept me for you.”“And how confident are you na ‘oo’ ang isasagot ko sa tanong mo?” tanong ni Ember na nangingiti. Gustong pakabahin naman kahit paano ang asawa. “You
Last Updated : 2025-10-02 Read more